Blogs

Work To Learn Not To Earn

Ito iyong lagi kong sinasabi sa mga teammate ko dahil eto rin nag inspire sa akin mula sa umpisa. Hindi na ito bago, actually nabasa ko ito sa aklat ni Robert Kiyosaki, Rich Dad Poor Dad.

Tambay ako sa library nun sa Hercor College at maswerte ako dahil nagkaroon ako ng pagkakataon mabasa ang mga aklat tulad na ito. Hindi naman ako mahilig mag basa ng aklat pero dahil iregular ako noon at maraming bakanteng oras, napagisipan kong sa library mag ubos ng oras.

Doon ko nakita ang “Rich Dad Poor Dad”. Isang aklat na merong personal na dedikasyon ni Sir Toto (Don Pepot) sa anak nyang si Christina Hernandez. Sa unang tingen alam mong epektibo kung ano man ang nakasulat dito, kita mo naman sa achivement ni Hernadez.┬áMula sa aklat doon ko nga natutunan ang “Work To Learn Not To Earn” na inaaply ko sa buhay ko.

Dahil nga marami akong bakanteng oras noon, naghanap ako ng magpatatrabahuhan hindi para kumita kundi para matuto gaya nga ng nakasaad sa aklat. Una kong naging target noon ang computer shop na pinag lalaruan namin ng dota. Inalok ko iyong may-ari baka pwede akong mag trabaho sa kanya bilang typist ng libre. Noong time na iyon uso typing sa school, may competition at exam. Para din sa akin kung computer ang field mo, foundation na dapat mabilis kang mag type. Kaya kahit wala akong sariling computer, naging ako parin pinaka mabilis mag type noon sa buong batch namin.

Hindi lang sa typing ako nag focus, ginamit ko rin ang oras ko para mag aral ng HTML, CSS, Javascript na noon ay dapat 2nd year ko palang matutunan. At dahil sa computeran ako tumatambay, nag oobserve ako kung paano mag troubleshoot. Nag babasa rin ako ng aklat pero hindi ko maapreciate dahil outdated na aklat sa library tungkol sa hardware. Eto iyong time na mas marami na akong natutunan sa computer shop kesa sa pag aaral (panahon bago ko nakilala ang teacher na nag introduce sa akin sa blogging at web development). Kaya naman hanggang sa mga oras hindi ako naniniwala na nakakasira ng pagaaral ang computer. Ang masaya pa sa ginagawa ko noon, madami akong natutulungan lalu na pag rush dahil randam ko na bumibilis na ako mag type at marami na akong nagagawang output araw araw.

Sa kabila ng pagtratrabaho na humatong na mas nag focus na ako sa trabaho ko kesa sa pag aaral hindi ko parin naman napabayaan ang pag aaral. Bagaman magkaibang sasakyan isa lang din naman ang patutunguhan noon. Ako parin ang pinang laban ng school sa Typing at Webpage design. Sumali din ako sa iba pang contest at napagtagumpayan parin naman. Hindi parin ako naiwan sa kabila ng estado ng buhay namin noon, walang wala, kaya nga kung talagang pipiliin lang pera o matutunan, dun ka talaga sa pera, pero naniniwala ako kay Kiyosaki at eto nga ang nagyari.

Madami akong natutunan doon, higit pa sa kayang ibigay ng perang maari ko sanang kitain. Actually sa ngayon inaani ko na naman ang mga itinanim ko na gusto ko rin sanang ma danas o mainspire ang aking mga kasama sa ngayon. Pinapaulit ulit ko sa kanila, maswerte kami ganto trabaho namin, meron kaming access sa buong mundo, maraming opportunity na kung gagamitin nang maayos, mararating namin ang isang bagay na kelan man ay hindi namin naisip.

Isang opportunidad na hanggang ngayon lagi ko paring inilalagay sa utak ko. Kaya nga instead na umuwi kami sa bahay kung saan makakapamuhay kami ng matahimik ng pamilya ko nag titiis kami dito sa shop tumira, katabi ng maingay na lansangan, masikip, 18 hours na walang tubig sa isang araw, at rumenta sa kabila na may sarili kaming bahay, kapalit ng mabilis na internet at ang pag asa na nasa daliri lang namin ang opportunidad.

Sa internet, maraming bagay ang pwedeng matutunan at maraming trabaho ang pwedeng magawa kunting tiis lang tulad parin ng dati. Kaya nga sa mga teammate ko, sinasabi ko na huwag nilang sayangin ang opportunidad na meron silang access sa mabilis na internet. Maswerte sila, kumikita na sila natututo pa.

Please share if this helped you or worthy for others to know. Thank you!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *