Blogs

Paano Ako Gumraduate Sa Pag Cu-cutting Class

Gaya ng ipinangako ko, ibabahagi ko sa inyo ang aking karanasan kung paano ako tumigil sa pag cucutting class. Sinabi ko sa una kong akda patungkol sa pag ganap ng magulang upang gabayan ang kanilang mga anak. Ngayon narito ako kung paano ako ginabayan o sabihin natin paano ako unang nakinig sa magulang ko na unahin ang pag aaral kesa computer.

Mula ng bata pa ako talagang mahilig na ako sa computer games. 6 years old ako unang nag laro ng computer games way back 1993. Naabutan ko pa ang Windows MS-DOS at Atari. Kaya naman hindi ganoon kadali para sa akin na ihinto ang paglalaro ng computer games. Sobrang sarap kasi talagang mag laro, kung gaano ko kaayaw mag aral ganon ko gusto maglaro.

Ibat-ibang uri na nang pang disiplina ng magulang ko ang ginagawa sa akin. Nanjan iyong sila mismo sumira sa gaming console ko. Oh kaya naman tinapon nila, oo naalala ko galit na galit ang tatay ko noon, kasi nakapasa ako sa exam ng scholarship para sa highschool pero instead na puntahan ko iyong interview, naglaro ako ng computer. Galit na galit na triggered, binunot ung Playstation ko sabay hinagis, tapos isinilid sa garbage bag at tinapon. Meron naman sinira ng tatay ko ung mismo wiring outlet namin kasi naghiram lang ako ng computer nun at di nya pdeng sirain.

Ang hindi ko maintindihan eh bakit nila ako binilhan nun kung alam nila magiging sakit sa ulo nila. Siguro nakita nila ang potential ko sa pag iisip at paglalaro habang nakikilaro at nakikinood lang ako sa pinsan ko.

Ilang beses din ako na suspended sa school dahil sa paglalaro ng computer. Napaglinis narin kami ng kalye dahil nahuli kaming naglalaro ng ng uniform.

Binaban narin kami sa mga computeran pero sobrang daming computeran sa lugar namin, lipat lipat lang kami.

Lahat ng iyon, walang nagawa para mapagbago ang patingin ko sa paglalaro ng computer. Sarap talaga mag computer.

Ganto rin siguro nasa isip ng mga ibang bata na napapagalitan ng mga magulang nila. Meron pa nga ako naranasan nung nag babantay palang ako ng computer shop na sa mismong kina uupuan ng anak nya binugbog ito. Kinuha nya ung keyboard at pinag hahampas sa anak nya. Kinabukasan ung anak nya maglalaro parin sana, pinalipat nalng namin nag shop kung saan di namin alam at tila mas nahirapan iyong tatay nya sa pag hahanap sa kanya.

Gaya nga ng sabi ko masarap talagang mag computer. Hindi sapat iyon.

Isang bagay lang ang natatandaan kong nag pabago sa akin at maaring mag pa bago sa inyo anak.

Noon kahit ilang beses akong pag sabihan tuloy parin ako sa paglalaro. Sinasabihan ako ng magulang ko na wag mag computer pag may pasok, umu-oo lang ako pero ginagawa ko parin. Hanggang isang araw, pag uwi ko, ang uniform ko kasama ng sapatos ko ay naiwan sa computer shop. Actually di ko talaga alam na naiwan ko hanggang sa mapansin lang ng nanay ko na di ko dala ung PE uniform ko.

Dun ko inamin habang naiyak ako na nag cocomputer parin ako at may posibilidad na naiwan ako iyon sa computer shop. Ang buong akala ko hahatawin na naman ako at pagagalitan pero hindi. Sinamahan ako ng tatay ko sa computer shop at mabuti ay naitago ng bantay ung gamit ko. Di ako pinagalitan nung araw na iyon, sinabihan ako ng tatay ko na, ilagay ko raw sa tama ang paglalaro ng computer at pag aaral. Iyon ang mga oras na bukas ang tenga at puso ko at talagang pumasok iyong mga sinabi nya.

Tulad ko naniniwala ako na pwede pang mag bago ang mga anak ninyo kung sa tamang paraan lang din ninyo ito idadaan. Ang pagpapahiya at pananakit sa harap ng marami tao ay nag dudulot lang ng puot. Ito ung sanang gusto kong sabihin tuwing may nakikita akong magulang na sinasaktan ang mga anak nila. Mas lalo ninyo kaming sinasaktan at mas madalas na pinapagalitan, mas lalo lang kaming namamahid na tila natural nalang ang lahat. Mas maganda ng buksan muna natin ang kanilang puso bago natin sila taniman ng aral na dadaldahin nya hanggang sa pagtanda nila.

Please share if this helped you or worthy for others to know. Thank you!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *