Blogs

Nakakasira Nga Ba Nag Pag-aaral Ang Computer Games?

Isa araw may magulang na galit na galit na pumunta sa shop. Hinahanap nya ang kanyang anak at ng hindi nya makita sa aming computeran ay kami ang napagdiskitahan nya. Kami daw ang sumisira sa pag aaral ng mga kabataan at pinagbantaan na ipapasara ang aming business. Masakit para sa amin na paratanggan ng ganon na lang dahil katulad nila may kanya kanya rin kaming pinag dadaanan. Pero sige, pag tuunan natin ng pansin ang issue na to, nakaka sira nga ba nag pag-aaral ang computer games o computer shop?

Kung sa makakasira lang ng pag aaral ang pag uusapan napakaraming bagay ang pwedeng sumira sa pag aaral ng mga kabataan. Nandyan ang ang mga samut saring bisyo tulad ng pag inom ng alak, pag  liliwaliw, pag susugal, pag gamit ng droga at iba pa. Sa mga babae naman nandyan ung unwanted pregnancy, pag landi, pag sama sa kanilang mga barkadang may samut-sari ring bisyo. Marami pang bagay ang nakakasira sa pag aaral, minsan nga ang sobrang pag aaral ay nakaka sira rin ng pag aaral. Halimbawa hindi ka nagabayaan ng magulang mo sa kung anong gusto mong career sa buhay mo, wala kang focus at mag papalit-palit ka ng kurso hanggang sa huli wala kang natapos, sira din ang pag aaral mo.

At ayon nga, “gabay ng magulang”.  Dito na papasok kung paano mo pinalaki ang anak mo. Magulang din ako sa dalawang anak ko, at di ko masasabi na perpekto ako sa pag papalaki sa kanila subalit sinisigurado ko na kung sakaling masira ang kanilang pag aaral, hinding hindi ko isisise sa ibang tao o computer shop o sa ibang bisyo ang pagkukulang ko.

Mas madali kasing manise ng ibang tao kesa pagnilayan ang sariling pagkakamali. Mas madali kasing mag bigay ng baon kesa ng oras na gabayan mismo sa pag-aaral ang anak. Kahit ako minsan gusto ko nalang na bigyan na lang nag allowance ang anak ko tapos bahala na sila, basta ako mag tatrabaho, iinom o maglilibang tutal binibigyan ko naman sila ng pera. Mas madali kasi yan pero hindi iyan ang tama. Bilang magulang dapat maging halimbawa tayo sa kahalagahan ng pag aaral, ang uhaw sa pagkatuto.

Kahit nakakapagod ang trabaho,  kinakausap ko parin ang anak ko. Ano ginawa nila sa eskwelahan. Ano ang natutunan nila. Ang mahalagang bagay ang ginawa nila sa isang araw. Pinapaulit ulit ko rin sa kanila kung bakit dapat mag aral. Kung anong masarap pag top tier ka sa school. Eto kasi ung mga bagay na hindi naituro sa akin ng mga magulang ko . Pinag aral nila ako sa kabila ng hirap ng buhay namin pero hindi ko kailanman na enjoy ang pag aaral dahil hindi ko alam kung ano ba talaga ang kahalagahan nito.

Mayroon din akong magulang na nakausap noon at ang sabi, “September pa pala syang hindi napasok nandito lang pala sya sa inyo naglalaro” Sa isip isip ko, September pa pala sya di napasok at hindi mo alam. May card day or quarterly teacher-parents reporting, or kahit one time lang na binuklat ang notebook ng anak mo” Pero syempre di ko sinabi iyon respeto nalang. Nabanggit ko nalang na basta hindi minor at di naman sya naka school uniform pwedeng maglaro.

Dumako naman tayo dun sa “ipapasara ko ang business na ito”. Naniniwala ba kayo na pag napasara ang shop namin ay wala ng masisirang pag aaral? Ang tatay ko, 3rd year high school lang natapos, nasira ang pag aaral nya, wala pang computeran noon. Gaya nga ng sabi ko napakaraming pwedeng maging posibleng dahilan para malayo ang landas ng ating mga anak. At kung sasabihin natin na, “sana wala nalang ganto at ganyan para di masira ang pag aaral ng kabataan”. Parang ganyan din ung tanong ko nung bata pa ako na kung “bakit pa ginawa ni God ang tree of knowledge”.

Yes meron tayong free will. Ang anak mo may free will. Kaya dapat gabayan mo sya na gamitin nya ang free will nya sa tama. Obligasyon mo iyon kasi magulang ka. Kaya nga pinadala ni God si Jesus Christ. Amen?

Marami pang bisyo dyan di lang computer games actually masyado lang natin inisip na nakakasama dahil sa kapabayaan ng magulang. Para sa akin na naging trabaho na ang paglalaro ng computer games hindi sya ganoong nakakasama gaya ng inisip nila. Computer games na ang nag papakain sa pamilya ko simula ng 2009 habang nagaaral pa lang ako ng college. Maari mong basahin ang akin sinulat tungkol 7 paraan paano kumita sa pag lalaro ng computer games. (Babala hindi tama na tumigil ka sa pag aaral.  Mag kaiba ang kwento ng buhay nating dalawa /gg)

Bilang magulang,  gamer at dati ring naging sakit sa ulo ng magulang, may naiisulat din ako kung paano ako tumigil sa pag cu-cutting class. Kung sakaling nag hananap kayo ng epektibong paraan para ma kumkumbinse ang atin mga anak na mahalaga ang pag aaral at kung bakit nga napag bago nito ang pag iisip ko nito noon. Basahin dito.

 


Foot Notes:

*Di nakatapos ng pag aaral iyong tatay ko pero masipag sya at utang ko sa kanya ang part na un.
*Magkaiba ang buhay natin dalawa, minsan naiisip ko kung bakit eto ung trabaho ko marahil ay wala lang akong option. Kung gusto mong mag trabaho katulad ng sa akin, isinasuggest ko na basahin mo pa ang mga ilang naiisulat ko ng makilala mo pa ako ng lubos.

Readers are here for:

  • paano nag simula ang kompyuter games
Please share if this helped you or worthy for others to know. Thank you!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *