Blogs

Kasaysayan, Kultura, At Tradisyon Ng Capiz

Madami ring nag papa-research sa amin nito mula noong unang taon palang namin sa negosyo. Actually hindi lang Capiz pati narin ng ibat-ibang probinsya, bayan at bansa. Kung sa bansa lamang, maraming kang makikita sa internet. Ang probema nga lang ito ay nakalatha sa salitang Ingles. Sa lokal naman, kunti lamang ang naiisulat kadalasan pa English. Buti nalang hindi kami magaling sa English kaya eto ibabahagi namin sa inyo ang Kasaysayan, Kultura at Tradisyon dito sa Capiz in tagalog este in Filipino.

Pinagkaiba ng Kultura at Tradisyon


Una sa lahat, marahil nalilito rin kayo kung ano ba ang pinagkaiba ng Tradisyon at Kultura. Kailangan muna natin itong sagutin upang makapagibigay tayo nang mas marami pang tamang halimbawa.

Sa madaling salita ang ang Kultura ay isang kaugalian, paniniwala, ideya, at gawi na pangkahalatan na syang kumakatawan sa mga tao. Ang tradisyon naman ay masasabi ring kaugalian, paniniwala, ideay o sa akung ano mang pwede nating tawagin kultura maliban sa ito ay “ipinapasa o namana o pinaniniwalaan”. Tandaan ninyo ang keyword na “ipinapasa” sa tradisyon at “pag tangap” para sa kultura.

Halimbawa, ang pagmamano, ito ay kultura, dahil tangap natin bilang Pilipino o ng marami sa atin na ang pag mamano ay pagpapakita ng pag-galang sa matanda. Dito sa Capiz, mas laganap ang pag halik sa noo bilang pagpapakita ng pag-galang na namana pa nila sa kanilang ninuno. Diyan naman papasok ang Tradisyon.

Isa pang halimbwa ang pag haharana, isa itong tradisyon, uri nang panliligaw na namana pa natin sa ating ninuno. Kultura naman tatawagin ang pagiging conserbatibo ng mga pinay.

Maari din sabihing tradisyon na natin ang pag tangap ng ibang kultura. Marahil  dahil narin ito kasaysayan ng Pilipinas kung saan sinakop tayo ng mga dayuhan, naging tradisyon narin natin na tangapin ang kultura ng ibang bansa sa kung anong makikita nating maganda sa pananaw natin. Kaya nga mas marami ng tumatangkilik ngayon sa K-pop culture kesa sa sariling atin. Aminin mo man o hindi, mas gusto mo ang maputi.

Dahil nabangit narin natin ang Kasaysayan, maari na tayong tumungo sa talagang tatalakayanin natin ngayon. Actually medyo irrelevant na nga Kasaysayan dito, dahil mas maganda kung Kultura at Tradisyon lang ang subject pero dahil magkakasama tong tatlong ito sa tuwing may magpapa research sa amin, sige discuss namin ang tatlo para isang copy-paste nalang.

 

Capiz Tradition, History, Culture, Customs, in the Family Tree

Kasaysayan


Kung nag hahanap ka ng Alamat ng Capiz, gagawan din namin ito ng akda base sa kung anong kwento ng lolo ko. Pero ngayon scientific based muna tayo sa kung ano ba talaga ang kasaysayan ng Capiz.

Nadiskumbre ang Capiz ng magsimula nang mag palawak ng nasasakupan ang mga espanyol. Nagkakaubusan na ng pagkain sa Cebu o ang unang bayan na sinakop nila. Bagaman natalo ni Lapu Lapu si Magellan, hindi parin ito napigilan ang mga mananakop na pumunta sa ibang lugar tulad na nga kung paano nila na diskubre ang Capiz.

Dumaong sila sa Pan-ay at dito tinayo ang pangalawang base nila. Eto ang dahilan kung bakit nasa Panay ang historical church ng Sta Monica na kung saan matatagpuan ang pinakamalaking kampanang pang Kristyano sa buong Asya. Bago pa ang Roxas o Capiz, ang Panay ang unang capital ng bayan, kung saan nagkaroon ng malayang kalakalan dahil sa bukana ang bayan sa mga daungan papunta sa ibat ibang probinsya.

Sa bayan na Panay na noon ay tinatawag na Bamban, nakarating ang bantog na si Miguel Lopez Legaspi mula Cebu. At kung bakit ito tinawag na Panay ay nakapa loob ang alamat tungkol sa tinapay. Pero kung pag babasihan ang kasaysayan, bukod sa Bamban, tinawag din ang lugar ng mga native na naririhan dito bilang Aninipay o isang uri ng pananamim kung saan marami nito sa nasabing lugar na maaring pinag ugatan ng salitan Pan-ay.

Nang nagpalawak pa ang espanyol ng masasakupan, na tuklusan nila na mas epektibo na makipag kalakalan sa Capiz na ngayo’y Roxas City. Naalala ko iyong lolo at lola ka pag sinasabing, sama ka “mapa Capiz” kami? Ibig nilang sabihin pupunta sa Roxas o sa syiduad. Hanggang ngayon may mga taong Capiz parin ang tawag sa Roxas na nasabing unang pangalan ng syudad.

Bilang pagkilala sa Panay na unang bayan nilang nasakop sa isla, binigay nila ang pangalang Panay sa kaubuang isla kung saan matatagpuan ang apat pang probinsya, ang Capiz, Iloilo, Antique at Aklan.

Ang Capiz na noo’y isang syudad, ibinigay ang pangalan sa kabuuan ng isa probinsya kung saan kasama pa nito ang buong  ang Aklan. Nangaling ang pangalang Capiz mula sa anak ni Datu Bangkaya na sina Kapis at Akean na ang ibig sabhin ay kambal na ngayong sumisimbol ng dalawang probinsya ang Capiz at Aklan. Ang storya ito tungkol sa pinag mula ng Capiz ay meron ding pagkakahawaig sa isang sikat na alamat.

Kultura


Kung pag uusapan ang kultura ng Capiz, kilala ang lugar sa pagiging mayaman nito sa Kapis o isang uri ng shell na ginagamit sa mga bintana at dekorasyon. Isa rin itong dahil kung bakit tinawag ang lugar na Capiz o lugar kung saan makakakita ka ng maraming Kapis shell.

Kilala din na masiyahin ang mga nakatira sa Capiz kung kayat marami tayong pagdiriwang o festival. Halos lahat ng bagay na may kaugnayan sa atin pinagmulan o atin kultura ay ginagawan natin ng selebrasyon tulad ng Lingga-anay Festival ng Panay, na nakilala sa malaking kampanay, Talahong Festival ng Sapian dahil sa kanilang produktong tahong at talaba at marami pang iba.

Kilala rin ang Capiz  sa kanilang malumanay o malambing na pananalita sa pag gamit ng Hiligaynon na lengwahe. Kasama nila rito ang Ilonggo ng mga taga Iloilo.

Marami rin naibahagi ang mga Capizeños sa pangkahalatang musika ng Pilipinas katulad ng Tinolabong, Timawa, Dagit-dagit, Cabatingan at marami pang iba.

Tradisyon


Gaya nga ng nasabi ko sa taas, ang maiituring na tradisyon o salin-lahi ang paghalik sa noo bilang tanda ng pag-galang. Kung pagmamano sa mga tagalog mas laganap dito sa Capiz ang pag halik sa noo sa mga nakatatanda o tanda ng pag bati.

Isa ring tradisyon dito sa Capiz at pag babawal kumain kung wlang pang itaas na kausotan. Naalala ko tuloy nung bumisata kami sa bahay ng kaibgan ko, galing kami sa initan kaya habang kumakain sa bahay nila, naghubad kami ng T-shirt, sakto naman pumunta ang Tito nya bahay nila. Nakita ako at isa pa naming kaibigan. Pinaggalitan kami at pinag sabihan na wala kaming galang sa pagkain.

Pag-antanda sa tuwing sasakay ng sasakyan at lalabas ng bahay.  Hindi lang matatanda gumagawa nito at dahil tradisyon narin, kahit na mismo ang kapatid ko nasa edad benta ay nag aatanda sa tuwi sasakay na sasakyan. Normal sa akin makakita ng nag aatanda sa tuwing mapapadaan sa simbahan pero sa Capiz ko lang nakita ang taong nag aantanda tuwi lalabas ng bahay o sasakay ng sasakyan.

Ang Binayle o sayawang bayan. Siguro dahil hindi pa ganoon kalaganap ang discohan o club dito sa Capiz kaya patok  parin ang kinagigiliwang binayle o sayawan. Ang tradisyon na ito ay kalimitang ginaganap sa pyestahan. Nagkaroon na nga lang ng pag babago tulad ng live band na noong una ay sound system lamang ang ginagamit. Sa binayle nariyan parin ang basketanay, “rollling basket” kung saan may babae o lalake na sasayawan sa gitna. May announcer na syang manghihikayat sa mga taong makipag sayaw at may basket kung saan ilalagay ang bayad kapag sumayaw. Patimapalak na ito may sistema katulad ng subasta. Kasiyahan lamang ang buong eksena rito at hindi ito tulad ng napapanood natin sa TV na pwede mong maka date ang babaeng napanalunan mo. At dahil maiituring din itong kompetisyon, meron syempreng premyo tulad ng lechong manok, inumin atb.

Ilan lamang iya sa mga nalikom namin tungkol sa Kasaysayan, Kultura at Tradisyunal na paniniwala dito sa Capiz. So ayan copy-paste na. Kung nais nio kaming pasalamat, maari kang bumista sa page na ito (iclick ang link) at ishare ang aming website sa Facebook ganon din sa pag like ng aming page sa FB.

Readers are here for:

  • ang pinagmulan ng tradisyon
  • ano ang meron sa capiz
  • kaugalian ng tagalog
  • kultura ng antique
  • Mga paniniwala sa capiz
Please share if this helped you or worthy for others to know. Thank you!

One thought on “Kasaysayan, Kultura, At Tradisyon Ng Capiz

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *