Blogs

Ikaw Kase by Ex-Battalion Review

Sa wakas may bago na na namang soundtrip ang mga computeran at pisonet matapos ang walang kamatayang Hayaan Mo Sila at Nadarang, ngayon may bagong kantang inirelease ang Ex-Battalion na pinamagatang “Ikaw Kase”. Kasabay ng kantay ang pag labas ng official music video kung saan itinapok ang pambansang Oppa na si Emman Nimedez at ang kanyang partner na si Jannene Anne Nidoy. Actually bago nila nilabas ang official na music video, nag karoon na ng mga maraming teaser, at fan-made upload sa Youtube. Ngayon napakarami ng re-upload or pirated, so ingat sa pag click para supportang tunay sa orihinal.

Ngayon rereviewhin natin o magbibigay tayo komento sa kantang paniguradong mag hohook in the future dahil ngayon palang alam mong sisikat to. Ganya nga ng sabi ni Loonie, pag pinirata ka sinyales ito na patok ka sa masa. Kaya base sa mga re-upload sa Youtube, at kung paano nagustuhan na mga players ng Kaylum Circle ang bagong sound trip na to, cien to por cien to viral na naman to. So mag simula na tayo!

Mga ilang piraso palang ng beat, alam mo na EX-B to. Signature nga sabi nila. Iyong iba naman kopyang Hayaan Mo Sila lang daw. Anyway ang beat ng Ikaw Kase ay mula kay Artem. Isa itong international beat producer na kilala sa pag gamit ng beat ni Rihanna mula sa kanya. So kung tutuusin iba naman ang gumawa sa Hayaan Mo Sila at kung may nag sasabing mag ka parehas nga ito siguro the way nalang ng pag kanta ng EX-B. Kung ako ang tatanungin, katunog nga ba oo hindi. Oo at natural lang ito sa musika. Kung ang ibang mga artist ay nag iiwan ng signature nila, meron namang pagkakataon na para sa taga pakinig pareparehas ang tugtugan nila. Ginagawa nila ito dahil dito sila nakilala at ito ang nagustuhan na kanta sa kanila. Isipin mo nalang may concert ang iyong paboritong reggae band tapos ang tinugtug nila rock o kaya disco, ano mararamdaman mo? Iyong ibang tao naman, mag cocomment, iyon at iyon lang naman iyong kinakanta nila, paulit ulit wala na bang iba? Malamang dun sila nakilala pag di na sila kumanta nun hindi na sila ang Ex-B.

Parehas lang to nung nanligaw ako sa girlfriend ko, pinakita ko na agad sa kanya na adik ako sa computer na eto buhay ko. Nung naging kami nag rereklamo sya puro daw ako computer games. Sabi ko, sinagot mo ako ganto na ako, minahal mo ako noon adik na ako sa computer games. Kung mag babago ako ngayon, hindi na ako ang sinagot at minahal mo ibang tao na. Ayon nag break kami XD.

Anyway balik tayo sa kanta. Ang mga ganoong komento hindi dapat pinag tutuunan ng pansin. Kahit ano pang gawin mo may mag cocomment dyan ng against sa iyo maniwala ka. Naalala ko nung tumutugtug pa ako sa banda bilang drummer. Iyong time na enjoy na enjoy ako at bigay na bigay. Un bang OA sa iba. At since banda kami at open ang management namin para sa mga komento, pinag sabihan ako ng wag daw masyadong magalaw kalmado lang. So next gig naman nakaupo ako, tugtug lang sabay lang. May nag comment parin sabi ano ba naman daw ung drummer walang kabuhay buhay inaatok sila sa aura ko. Kaya ayon sabi ko next time gagawin ko kung saan ako masaya. Oo tumutugtug ako sa kanila kasi binabayaraan nila ako, pero hindi ko kailan man magiging utang sa kanila ang kasiyahan ko.

Anyway balik tayo ulit sa kanta, daming patalastas hahaha. So ngayon ako naman ang mag cocoment. Pero syempre hindi ako magiging bias dahil siguro sariling trip lang at kung anong nakita  at nadinig sa kanta nito. Dun tayo sa katunog, oo katunog nga lalo na dun sa verse 2 iyong, “Di na ko nagloloko”, pasok agad sa isip ko ung Hayaan Mo Sila sa lahat yan nag loloko.

Hindi lang lyrics and basihan kung bakit maraming tao ang nag sabing katunog lang daw. Isa sa nakikita ko kung bakit ganto ito hinuhusgahan ng mga tao dahil sa flow ng mga mga kanta. Bilang rapper, may mga sarili din silang flow. Iyon ang identity nila bilang artist. Iniingatan nila ito lalu nat sila ang nag pasikat o kilala ng stilong ito dito sa Pinas. Aamin ko hindi ako rapper at fan lang ako ng Fliptop kung kaya nakilala ko ang mundong ito. Sa lawak ng mundo ng hiphop, hindi mo masasabi kung sino ba talaga ang original sa hindi o siguro dahil hindi lang ako ganon ka pamilyar sa rap scene pero kung original lang ang pag uusapan, panigurado pinag harian na ito ng mga kanluraning bansa kung saan talaga nag simula ang hip-hop at ang rap.

Hindi naman masama mangopya actually may mas magandang tawag dito – influence. Lahat ng artist may tinitingala o pinanggalingan. Ang tanong dito eh kung paano mo pag haharian ang istilo na iyong ginagamit. Ito ang dahilan kung bakit sikat na sikat ang Ex Batallion. Dahil ang ahin nilang istilo ay bago sa panlasang pinoy kahit na sasabihing marami ng tunog na ganto sa ibang bansa subalit hindi rin kilala ng mga pinoy. Gaya nga ng sabi ko, wala akong masyadong kaalaman sa hip-hop pero mahilig talaga ako sa music, at base sa mga napakinggan ko nauna ang Ex-B dito sa pinas ng style na kanilang ginagamit kaya mabenta sila. Actually ung tunog nila, mala Fetty Wap pero ung mga Amerikano sasabihin nila ung tunog ni Wap katunog lang din ng mga naunang rapper.

Mabalik ulit tayo sa kanta. Isa pang dahilan kung bakit mabenta ang EX-B at ang mga kanta nila kasama narin itong Ikaw Kasi ay dahil madali itong maka hook.  Iyong parang ang bagsakan ng kanta ay madaling sabayan na kahit pangalawa o pangatlong beses mo palang mapakinggan ay makakabisa mo na agad ang lyrics. Naalala ko sinabi din ito ni Loonie dati, na may mga point na instead na nag kakabisado sya ng lyrics, ung flow ung kinakabisa nya na mas madaling sabihin at mag mumukang dynamic ung sulat nya. Muscle memory kung baga o subconsciously. Iyong bagsakan ng Ex Battalion pang masa pero hindi ito ung tugtugan lang ng may mga double meaning o kanta mula sa love song na beat na tinagurang pang masa rap nung early 20’s.

Pag dating naman lyrics, hindi narin bago ung love rap na tinatawag kung saan ang tema ng kanta ay tumatakbo sa isang paghangga o pag mamahal sa babae. Halos buong takbo ng kanta tungkol dito at kung paano sila nahulog at napag bago nitong babae. Mula sa pamagat ng kanta, “Ikaw Kasi” para sa akin ang ibig sabihin ng kantang ito ay tungkol sa pagmamahal na ang dahilan ay babae. Masasabi din natin na may tunog paninise mula sa salitang “Kasi”. Parang nagyari, kasalanan pa ng babae sa kung anong nararamdaman ng kumakanta. Pwede din nating sabihin ang dahilan kung ano man ang nais ipabatid ng mangaawit ay tungkol sa babae. Sa pamagat marami tayong maaring idugtong na hugot. Hindi lang sa beat pero ang lyrics mismo ay patok sa mga kabataan ngayong mahilig humugot na akala mo ang buong buhay sa mundong ito ay tumatakbo sa kanilang relasyon. Magaling talaga ang Ex-B pag dating sa gantong eksena, iyong kwento ng kanta nilang aangkop sa maraming tao.

Pag dating naman sa official video, tulad parin ng dati may chix at masaya na naman ang mga kalalakihan nito. But this time, hindi na sexy ang tema pero swabe paren ang ganda Jannene Anne Nidoy. Nawala narin ang mga magagarang kotse at konyong setup ng video. Although mas mabenta ang video kung gagawing hi-class ang set up dahil iyon ang pangrap ng maraming tao at dagdag hook, kumuha naman sila ng isang internet sensation, ang pambasang Oppa na si Emman upang magdala sa kanilang music video. Although may hakot din ang music video sa kanta, pero pag dating sa rap mas nabibigyang halaga ang mga live performances na sukatang kung gaano kagaling ang isang rapper. Katulad kung paano ako nagkaroon ng interest sa hiphop group na ito. Matagal ko nang naririnig sila pero never akong nag search sa Google o sa Youtube para sa kanta nila, subalit nung nakita ko sila sa Wish, saka ko lang ninamnam ang musika nila dahil sa husay nila sa live performances. Kaya hindi narin ako makapag hintay na kantahin nila itong Ikaw Kase ng live.

So ayan ang review ko, alam ko walang kwenta ito dahil kahit ano pang sabihin ko at kahit anong pang sabihin ninyo hindi ito mapipigilan ang hype ng Ex-B. Wala tayong magagawa kundi makisabay sa kanilang beat na inihain sa atin.

Please share if this helped you or worthy for others to know. Thank you!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *