Blogs

Boy-Girl Gamer Relationship: Expectation Vs Reality

Mabenta parin talaga ang mga girl gamers sa mga hopeless romantic. Siguro kahit ikaw nangarap karin na magka girlfriend o makapangasawa ng isang girl gamer. Para bang iba ang dating sa mata natin kapag ang babae ay may hawak ng joystick or keyboard and mouse. Oh kaya naman tinalo ka sa laro ng isang babae. Diba nakaka inlove?

Nandito ako ngayon para ibahagi ang reyalidad sa iyong pinapangarap na girl gamer. Ako’y may asawa at may dalawang anak. Naglalaro rin ng computer games ung misis ko pero di kasing active para tawagin ko syang girl gamer. May kilala akong mag asawa na talagang parehas silang active gamer. May mga kaibigan din akong nakausap tungkol sa part na ito at iyon ang pagkukuhaan natin ng basehan tungkol sa akdang ito.

Expectation: May ka team up kana sa laro

Sarap nga naman na may kasama kana sa totoong buhay may kasama ka pa sa laro. Kung sa laro pa meron ka ng support, so totoong buhay pwede mo pang kandugin habang naglalaro. Oh kaya naman tuwing nagiging boring na ang farming / grinding nandyan ung part mo kakulitan mo. Di mo namamalayan mag lelevel-up ka na pala. Wow sarap naman. May mga laro din kung saan pwede kayong ikasal, so may partner kana. Mas mabilis kang lalakas sa laro dahil nga two heads are better than one at nangangako kayo sa isat isa na mag tutulungan kayo.

Reality: Ubos lagi ang pera mo dahil sa pag papabili ng skin ng asawa/gf mo. Di ka narin makagalaw ng maayos dahil mas gusto nyang sumali sa mga kikay event kesa mag grind/farm. Limitado lang ang alam ng gamer mong GF kaya di ka makapag try ng mga bagong combo mula sa ibang hero/character. Noob ang girlfriend mo kaya di ka nag iimprove kasi noob din un mga ka queue nio especially mga kampi mo. Pag nag away kayo at di mo napag bigyan ang gusto, ibebenta nya iyong laro. Kalimitan pa sa mga girl gamer matataba kasi di naglalabas ng bahay, kaya hirap na hirap kanang buhatin sya sa laro, sa totoong buhay hirap na hirap ka rin kandungin sya, kangalay un!


Expectation: Maiintidhan ako sa pagiging gamer ko dahil gamer din sya

Bilang gamer, ang pangunahing challenge sa relasyon ninyo eh ung paglalaro mo. Kaya naman sarap talaga kung gamer din girlfriend mo kasi maiintindihan nya na matagal kang mag reply kasi walang pause ang laro. Maiintidhan nya kung di kayo laging nalabas para sa date dahil mas masayang mag pa level. Parehas kami ng hilig so marahil parehas din kami ng gusto sa ibang bagay. Gamer sya gamer ako di kami mauubusan ng topic na pag uusapan.

Reality: Gamer sya gamer ka din, kailangan mong maglaro na gusto nya kahit di mo gusto. Pag nag away kayo, itatapon nya lahat ng gamit mo sa laro, ilalaglag ang rank at worst idedelete nya account mo. Gamer sya gamer ako, ayon wala kayong nalalamang iba sa mundo. Walang marunong mag luto sa inyo, o gusto maglinis ng bahay puro lang laro. Gamer ikaw at gamer din sya, maiintidihan nya kung puro laro ang gusto mo ang hindi nya maiintidihan eh kung bakit binuntis mo sya tapos gusto mo palang laro laro lang (computer games lang). Walang pause ang laro, kaya asahan mo sisirain nya mouse or keyboard mo pag nag away kayo.


Expectation: Eat. Sex. Game. Sleep. Repeat

Alam mo ung nandun lang kami sa kwarto, maglalaro kami ng computer, tapos kakain kami, pag ginanahan mag lo-love making tapos pag napagod matutulog. Hay sarap nag buhay. Makapangasawa lang talaga ako ng girl gamer aaraw arawin ko sya.

Reality: Eto kasi iyong nakikita natin sa mga couple game streamer or kahit ako din dati kala ko ganto ang buhay may asawa. Pero ang totoo, sinong mag luluto, sino mag huhugas ng pingan, sino mag aalaga ng bata etc. Kala ko ko din dati ganto lang ang gagawi namin sa buhay mag asawa ang dami dami palang dapat gawin na minsan maiisip mo na ayaw mo nang maglaro. Di mo narin maaraw araw kasi pagod kana sa trabaho. Tama un pa pala, in reality kailangan mong mag trabaho.

At dahil kailangan mong mag trabaho para sa pamilya mo at anak buong mundo ay magbabago. Malayo sa pinapangarap mong pagnakatrabaho ako maglalaro lang ako ng mag lalaro tapos asawa ko gamer din, saya nun. Pag may anak na kayo kahit ang gamer mong asawa kailangan ng magpaka nanay kung hindi masisira ang pamilya ninyo. Pero kung gusto mo talagang gawing hanap buhay ang pag lalaro, narito ang 7 paraan para kumita ng pera sa paglalaro.

To be continued…

Please share if this helped you or worthy for others to know. Thank you!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *