Blogs

Basketbol – Capiznon Indie Film Review

 

 

Ang Indie film na ito ay lumahok sa Makata Indie Film Festival na sya ring nanalao sa nasabing patimpalak ng best director, best editor at best film. Pinamagatang Basketbol, ito ay pelikula ni Quin Pacis na pinagbidahan nila Rhoy Fresnido, Rhap Distajo, at Shant Vincent Acapuyong. Ang pelikula ay tungkol sa larong basketball na ikinukumpara sa buhay nang magkapatid na si Betong at Ipe. Ang dalawa ay ulila na sa ina at ang kanila ama ay mayroong ibang pamilya.

Bilang ama sa dalawa ko ring anak, na antig ako sa takbo ng kwento. Bukod sa kung paano nila nilatag ang pelikula sa pamamagitan ng basketball, may mga ibang bagay pa ako napansin, kinamangha, at natutunan sa father-and-sons inspired film na ito.

Napulot ko ang pelikulang ito sa isang Capiznon group sa Facebook. Alam mo iyong pag play mo palang exciting na iyong tunog o background music. Siguro bilang drummer fan talaga ako ng tunog nang toms. Mejo pang action nga ang dating samahan pa ng magandang drone shot ng barangay IX, nakuha agad nito ang pitong segundo ko para hingkayatin na tapusin ang buong video.

Sa content ng palabas, straight-forward ang mensahe nila tungkol sa buhay at ang basketball. Aaminin ko hindi ako magaling sa panonood. Pero pag indie film ang pinapanood ko, binubuksan kong maige ang atensyon ko dahil alam kong meron tong mas malalim na mensahe gaya. Umaasa akong nasa isip ng akda na hindi man nila kayang makipag sabayan sa laki ng budget ng mga mainstream na pelikula bubusugin naman nila tayo sa content o sa takbo ng storya.

Pero iba sa unang bahagi ng pelikulang ito dahil direct to the point ang mensahe nila. Siguro nang expect lang ako o medyo hindi na bago sa akin ang basketball-life analogy. O ganyan talaga ang criteria ngayon para sa mga gantong pantimpalak.

Sa kabilang banda umaasa parin ako na meron tong pelikulang ito. Lalu na dun sa part na nag hihintay si Ipe sa baybay. Palaisipan iyon in the first place kasi bakit nandun sya o anong ginagawa nya dun. Dun ba sya nag tatrabaho o sumasideline? Maraming tanong ang pumasok sa isip ko dahilan para hindi ko pa itigil ang video.

Actually naisip ko na storya ito nung transgender na nagtitinda sa baybay ng balot, pugo, chitcherya. Kasi bilib ako sa sipag ng tao na iyon. So parang nag naisip ko sya siguro iyon. Kaya nag patuloy ako sa panood para malaman nga.

Dun sa eksena kung saan nagkita sina tatay Ada at Ipe. Na hooked na ako sa pinapanood ko. Siguro mababaw lang talaga ang luha ko o marahil kasi tatay din ako. Dun mararamdaman mo ang tunay na pagmamahal mula sa “pag amin” at “pag tangap”. (Naiyak talaga ako sa part na ito, siguro naalala ko nung time na inamin ko sa tatay ko na di ako napasok sa school at nag cocomputer lang ako, at instead na pagalitan tinulungan nya ako sa problema ko.) Balik sa palabas, dito inamin ni Ipe ang tungkol sa kasarian nya, ganon din ang pag amin ni Ada sa mga manonood ang kanyang kakulangan sa kanyang mga anak at kung bakit dumaranas sila ng gantong pagsubok sa buhay.

Alam natin bilang manonood na si Ipe ang tumayong ama sa kapatid nyang si Betong pero hindi lang ang pagkukulang ng ama niya ang kanyang pinasan pati ang sarili nyang tukso na di nagawa ng kanyang amang labanan.

Bilang tao ito na yata ang pinakamahirap labanan. Darating at darating sa buhay natin na tutuksuhin tayo bilang lalaki lalupat kung nabibiyayan tayo ng gandang lalake XD. Kung na pag daanan ko man ang gantong bahagi ng buhay ko bilang lalaki, ang tanging pinanghahawakan ko lang ay ang aking mga anak. Ang tawag ng laman ay madaling lilipas subalit hindi ganon kabilis kung masisira ko ang relasyon sa aking mga anak at sa asawa. Pinag tibay ng panonood ko ang pananaw kong ito. Ayaw kong dumanas sa mga anak ko ang kung anong pag subok nina Ipe at Betong sa buhay. Gusto kong makasama silang makalaro ng basketball, sabay kaming tatahak ng buhay.

Yan na siguro iyong moral lesson sa indie film na ito o kung ano ang dating ng pelikulang ito sa akin bilang ama.

Bukod sa pagkapanalo ng Basketbol sa Makata Indie film, dapat din nating ipag malaki bilang Capizeños na ang award-winning na pelikulang ito ay mula sa ating mga kababayang Capiznon. Isang patunay na ang mga taga Capiz ay may likas na husay din sa pag gawa ng mga makabuluhang pelikula.

Please share if this helped you or worthy for others to know. Thank you!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *