Blogs

Basic to Advanced Silkscreen Printing Seminar in Philippines

Kung nag hananap ka ng Basic to Advanced Screen / Silk Printing Seminar dito sa Pilipinas, maari mo kaming kontakin o sadyain ang mga tao na nasalikod ng naatinan kong seminar.

Katulad mo, baguhan din ako at alam ko ang mga tanong na nasaisip mo patungkol sa screen printing. Kaya naman naniniwala kami base sa aming karanasan na ang seminar na naatenan namin ay makakatulong din saiyo. Ito rin ang paraan namin upang maibalik ang pabor na kailanman hindi namin mababayaran bilang utang na loob.

Bilang baguhan oo tama at may youtube na pwede nating mapanood subalit ang malaking tanong dito ay kung saan tayo kukuha ng materyales, tamang pag hahalo ng pintura, mga tamang procedure base sa brand ng produkto, ano at saan makakakuha ng software na gagamitin para sa advanced screen printing. Ang lahat ng ito ay nabahagi sa seminar na syang nirerecommenda ng Kaylum Circle para sa mga taong gusto ring matuto ng screen printing mula basic hanggang advance.

Isa ang Kaylum Circle sa mga nabigyang pagkakataong makaatend sa screen printing seminar na pinangunahan ni Joel Gariando at Gleo Sumalde. Ito ay ginanap noong September 8 at 9, 2018 sa IMC Street Decals Villa Arevalo, Iloilo City.

Sa seminar diniscuss ang mga sumusunod:

*Basic Screen Printing Procedure
(art work layout, printing on film, photo exposure, creating stencil, printing)
*Graphic Software (Corel Draw, Adobe Photoshop, Vector Magic, Separation Studio, QuickSep,)
*Spot/Solid/multi Color
*Half tones technique
*Simulated technique
*CMYK technique
*Paint Mixing
*Hands on both rotary and line table
*Basic Business management and marketing tips

Nagkaron kami ng pagkakataon para sa isang question and answer discussion na talaga namang malaking tulong para sa mga beginner. Ang seminar at nilahokan hindi lang mga baguhan pati narin ang mga dalubhasa sa ibat-ibang field ng printing business. Naging maalwan sila sa pamamahagi ng kaalaman dahil iyon naman talaga ang layunin ng seminar. Hindi lang para kumita subalit maka pag tayo ng aktibong group ng mga printer dito sa buong isla ng Panay at kalapit lugar kasama narin ang Capiz, Aklan, Antique, Bacolod etc.

Maari nating sabihing marami namang video sa youtube subalit iba parin kung makaka apply mo hands on at makakadaupang palad mo ang ibat-ibang tao na beterano na sa ganitong larangan.

Ang buong Kaylum Circle ay lubos na nagpapasalamat kay Joel Gariando sa kanyang epektibong pamamahagi ng kanyang kaalaman. Nagustuhan namin iyong parte na inilalagay nya ang sitwasyon nya sa tulad naming baguhan base sa kanyang experyensya. Ramdam ko sa kanya na hilig nya talagang mag turo na kahit hindi na saklaw sa seminar ay dinediscuss nya parin sa paniniwalang ito’y makakatulong sa amin. Kahit na matapos ang seminar, nagrereply parin sya hanggang sa mga oras na ito sa mga tanong namin.

Hindi lang sa pag sagot ng tanong at pamamahagi ng kaalaman, ibinahagi nyarin ang kanyang mga artwort at software na ginagamit. Mahigit 35GB din iyon. Kaya maraming salamat talaga.

Bukod kay Joel Gariando, nagpapasalamat din kami kay Gleo Sumalde o mas kilala sa G-Coat sublimation coating. Sa kanya ko nalaman ang seminar, at naopen sa group na Imprenta Panay kung saan mas nakakilala pa ako ng marami pang printer dito sa kalapit lugar namin. Napaka professional nila bagaman mga simpleng tao lang (which is nag rereflect sa pagkatao din sa amin) alam mo isa sila sa mga top tier printer dito sa bansa. Kudos din sa masarap na tanghalian mula sa mama ni Sir Gleo.

Dahil nga naging pintuan ang seminar para sa isang grupo o bagong pamilya, gusto ko rin naming gamitin ang pagkakataong ito para pasalamatan ang mga taong namahagi sa Kaylum Circle ng kaalaman base sa kani-kanilang expertise.

Kay Jeff Mijares kung saan nagtanong kami tungkol sa larnyard printing at temporary plate printing kay sir Bogie na namahagi sa amin ng kanyang technique sa PVC ID printing/laminating. Kay Aizy na taga Panitan kung saan ako kumacopy ng file dahil wala kaming dalang laptop. Kay Jess Tony ang kasama ni Sir Joel sa mga tanong namin patungkol sa paint mixing na sinagot nya. At sa lahat ng miyembro ng Imprenta Panay.

Baguhan ang Kaylum Circle sa Screen Printing subalit sa mga taong tumulong at patuloy na gumagabay sa amin, naniniwala kami na may patutunguhan ang bagong trip na ito.

Maraming salamat sa lahat!

Please share if this helped you or worthy for others to know. Thank you!

2 thoughts on “Basic to Advanced Silkscreen Printing Seminar in Philippines

    1. search mo sa Facebook ang Printing Business Philippines i think mga 3 dun nag co-conduct ng seminar. ung iba libre pag sa kanila ka bumili ng product.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *