Blogs

Bakit Umalis Si Unique Sa IV of Spades

Iyan ang tanong ng karamihan bagaman wala direktang sagot maging sino man sa nasabing banda. Isa lang ang masisigurado natin, hindi ito dahil sa issue ng kanyang kalusugan na kalimitang mababasa mo online dahil sa pag sugod nya sa ospital pagkatapos ng isa nilang gig kung kayat naging spekulasyon ito. Subalit ng ilabas niya ang bago nyang single na pinamagatang, “Midnight Sky” malinaw na hindi nya balak tumigil sa pag kanta sa kung ano pa mang dahilan. Kung ano man iyon, maari mong mabasa kung ano sa palagay ko ang dahilan.

Ito ay sarili o personal kong komento tungkol sa isyu. Hindi ito opisyal o kinumpirma sa kung sino mang personalidad ang involve sa isyu. Sariling opinyon ko lamang ito base sa mga nangyari sa ibang musikerong umalis sa kanilang banda. Hindi ko sinasabi na paniwalaan ninyo ako. Sa mga ibibigay kong opinyon, kayo nang bahala ang humusga.

Management Issue

Hindi na ito bago sa mga banda at kalimitan ito ang pinag mumulan ng issue. Hindi na ako lalayo, pumunta tayo sa Eraserheads at kung bakit ito na disband sa kabila ng success ng banda. Isa sa mga tinitignang dahilan ay ang bias na pagmanage ni Diane Ventura na asawa ni Ely Buendia at tumatayong manager ng banda. Bagaman bawat panig ay mayroong kanya kanyang saloobin tungkol sa issue, at pagkukulang sa kanya-kanyang paningin, ganon pa man pinakamati,bang dito ang management issue, ikalawa nalang ang pagkakaroon ng maraming project ni Raimund Marasigan sa ibat ibang banda.

Isa ring maganda halimbawa kung bakit umalis ang dalawang magkapatid na Farro sa Paramore dahil din sa management issue. Ayon sa inupload na video ni Josh Farro, dumating daw sa point na parang hindi na sila buong banda, at ang lahat ng pabor ng management ay napupunta sa vocalist na si Haley Williams. Unang umalis ang Farro Brothers at paglipas ng maraming taon, umalis din ang founding members na si Jeremy Davis (bassist) dahil din sa parehas na issue. Ang Paramore ay minamanage ng magulang ni Williams ng panahong iyon.

Maraming pang banda ang nagkaroon ng di magandang katapusan dahil sa gantong issue subalit ang kaugnayan ng dalawang bandang na bangit ko sa itaas ay may pagkakaparehas sa IV of Spades. Dahil ang banda ay minamanage din ng tatay ng isa sa mga miyembro ng banda, si Allan Silonga. Wala namang masama doon, katunayan sya naman talaga ang bumuo ng banda para sa anak nya na si Blaster. Pero nandun lang ako sa pagkakaperahas ng issue at katulad ng nangyari sa Paramore at Eraserheads maaring isa itong dahilan sa pag alis ni Unique.

Pero ang tanong naging bias nga ba? Tikom ang bibig nilang 4 o maging ang mga tao sa likod ng banda, pero kung ako tatanungin, parang may pag ka bias nga o pinapaburan ang banda, si Blaster Silonga, anak ni Daddy A. Paano ko nasabi?

Parang gustong palabasin na ang frontman ng banda ay Blaster. Hindi ko na pupunahin ang napakahabang guitar solo ng mga kanta nila, ganon naman talaga ang tutugan sa genre na kanilang pinopromote, pero iyong patugtugin si Blaster sa gitna at lagyan ng mic na akala mo sya ang mag le-lead vox, para sa akin isa iyong pabor para sa kanya na dapat ay nasa frontman o lead vocalist. Magaling naman talaga si Blaster mag gitara, hands down, pero pag kanta hindi nya mahihigitan si Unique o kahit si Zildian kaya hindi sya dapat pumagitna unless guitar solo. Kung si Zild pa, mas reasonable kung papagitna.

Kung sa ayos palang nila ng stage nabibigyan ng pabor si Blaster, hindi malabo na off stage mas marami pang pabor ang nakukuha nya kung saan hindi alam ng mga tao ang eksena.

Kumita ng mas malaki

Pag gumawa kayo ng banda, una jam jam lang. Tugtugan kahit walang bayad masaya na. Pero habang tumatagal, mararamdaman ninyo iyong pagod o hihingin talaga ng pagkakataon na dapat kumita ng pera kapalit ng oras na ginigugol mo para sa isang bagay. Siguro dumating na ito sa point ni Unique. At kung merong management issue, kalakip nyan  eh ang hindi pataas na hatian sa compensation at dun na nga pwedeng naisip ni Unique na kailangan nya ng kumita ng malaki na hindi nya makakamtan kung bias ang management.

Ang kagandahan kay Unique umalis sya ng maaga kaya hindi nagmumuka na ginamit nya lang ang banda at biglang iniwan ng nagpasya na itong mag sarili. Ito naman iyong madalas na issue sa vocalist. Espesyal kasi ang role ng vocalist sa isang banda. Imagine sila itong may kakayahang mag patuloy ng career matapos makipag hiwalay sa grupo. Maari din nilang gamitin ang kasikatang natamo nila mula sa bandang pinang galingan nila. Literal, maari nilang kantahin ang kanta na pinag hirapan ng buong banda. Hindi kayang gawin yan ng drummer o guitarista. Pwede kang kumuha ng ibang gitarista o drummer walang may pakilaalam, pero kumuha ka ng bagong bocalista at lahat sila magtataka. Tangapin man natin o hindi, iba talaga ang dating ng bocalista sa buong banda. Isipin nio nalang kung bakit galit na galit si Nathan Azarcon, bahista at compositor ng dating Bamboo kay Bamboo Manalac. Dahil nag sarili ito at kumikita gamit ang kantang ginawa ni Azarcon. Diba masakit? Ganon din kung bakit nagalit ng husto ang magkapatid na Gallagher ng Oasis. Dahil hindi matangap ni Noel (composer) na nagamit sya ng kapatid nyang si Liam (vocalist) para sa kasikatan nito. Actually hindi nila kailangan si Liam dahil nakanta naman si Noel, huli nya ng narealize iyon kaya hanggang ngayon galit na galit parin si Noel sa kapatid.

Sa part naman ni Unique, tama ang desisyon nya na umalis ng maaga sa banda. Medyo risky pero kung gusto nya talagang kumita ng malaki, kailangan nyang gawin ito. Siguraduhin nya lang na may back up plan sya – bagong kanta.

Dahil may bago syang kanta

Nabangit narin ang back-up plan at bagong kanta, tama may bagong kanta si Unique matapos nyang lisanin ang IV of Spades. Nakakatuwa nga dahil nag sabay mag release ng bagong kanta si Unique at IV of Spades sa kantang Midnight Sky at In My Prison. May mga komento rin sa kanit-kanilang official video sa youtube patungkol sa koneksyon ng dalawang kanta.

Mabalik tayo sa dahilan ng pag alis ni Unique. Maaring ding dahil may bago syang kanta na sya lang ang naghirap at sa tingin nya sya lang ang dapat makinabang dito. Ang composer pinakamahalagang miyembro ng banda o sa buong industriya ng musika. Kahit na hindi ka magaling sa pag gamit ng instrumento o sa pagkanta, subalit may dating ang mga likha mong kanta, talagang sisikat ka. Eto rin iyong mentalidad ng mga vocalista kung sa palagay nila sila lang ang nag pupursige mag compose ng kanta. Eto rin kasi iyong pinaka mahirap na part ng musika, ang lumikha. Maraming pwedeng maging dalubhasa sa gitara o sa drums o sa pagkanta subalit kukunti lang ang mga magagaling sumulat ng kanta. Bawat sikat na banda may magaling na manunulat sa likod nito.

Pag ikaw ang sumusulat ng kanta pwede mong iwan ang banda at mag patuloy ng karera mag isa. Ganto rin ang nagyari kay Rico Blanco. Sya ang composer ng Rivermaya, maganda rin ang boses nya, simulat sapul pwedeng pwede na syang mag sarili. Ito iyong maaring sumagi din sa isip ni Unique kung bakit hindi nya na pinatagal pa ang pag dedesisyon mag sarili.

Ayon naman mismo kay Unique mula sa post nya sa Twitter:

Ayan ang kaisa isa nating clue sa nangyari. Pwede natin himayhimayin at pakiramdaman si Unique habang isinusulat nya ito.

“Nagsusungit ako kasi mayroong pinag tatakpan, totoo ho ‘ yon” – Kinompirma nya na meron syang pinag tatakpan. Conservative kasi tayong mga pinoy o sadyang may kasunduan ang dalawang panig na wag idisclose ang issue kung anot-anoman ang mangyari dahil sila rin naman ang magkakasiraan.

“Exercise narin sa pag iisip” – Ang dating chinachallenge o ineencourage tayo ni Unique na mag isip o malaman ang totoo sa issue nya. Marahil may legal issue sila na wag isapubliko kung ano man ang nangyari. Pero kung ano man iyon tila gusto ni Unique malaman natin ang totoong dahilan sa pamamagitan ng isang hamon.

“Pagpapaalila sa takot” – Gaya nga ng sabi ko sa taas malaki ang risk sa kanyang disisyon subalit sa kung ano man ang set up nilang 4 ito ang dahilan kung bakit nagkaroon sya ng lakas na loob ng tahakin ang mundo ng musika mag isa.

“hirap talagang pumasok sa showbiz” – dito masasabi natin na hindi talaga health issue ang dahilan kundi showbiz.

“talikuran ang mga bagay na matagal mo nang pinaghihirapan” – dito may dalawa syang bagay na pinapahiwatig, una may sakrisipyo o may kahirapan sa desisyon nya. Pangalawa ipinahahatid nya na pinag hirapan nya ng matagal ang kanyang tinalikuran (IV of Spades) Dito masasabi kong pwedeng effort nya sa pag susulat o may kinalaman sa pag susulat nya ng kanta na gusto nyang sabihin sa atin na pinag hirapan nya ito ng matagal na panahon para lamang talikuran.

“Yong na brainwash” Dalawang bagay ito. Pwedeng nag sisisi sya sa pag alis sa banda at kaya nya lang ito nagawa dahil na brainwashed sya o pwede ding ang tinutukoy nya eh simula pa nung pumasok sya sa IV of Spades. Dalawa lang yan.

So ito iyong sagot ko sa tila challenge ni Unique na mag isip at ma exercise ang utak. Actually, na isulat ko na iyong unang bahagi ng lathang ito bago ko nabasa iyong tweet nya. Lalo lang pinag tibay nito ang mga spekulasyon ko sa taas.

Ayan nga po, uulitin ko ito ay opinyon ko lang at nasa sa inyo kung maniniwala kayo sa kung anong sa palagay kong nangyari kung bakit humiwalay si Unique Salonga sa IV of Spades. Sigurado ako hindi dahil sa mainit nyang outfit.

Readers are here for:

  • bakit umalis si unique sa iv of spades
Please share if this helped you or worthy for others to know. Thank you!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *