Blogs

Bakit Dapat Ipagbawal Ang Pag Gamit Ng Bloody / Razer Sa Crossfire Tournament

Tinutukoy namin dito ay ang mga keyboard at mouse na meron macro na kalimitang gawa ng Razer o A4Tech Bloody.

Actually mahirap itong icheck sa dami ng mga manufacturer at klase ng device na pweding gamitin. Hindi naman pweding sabihin na basta hindi sila mag dodownload ng Synapse o ung utility ng Razer para maka configure ng macro dahil ang Bloody pwede kang mag macro kahit na walang driver o utilities. Meron sya built-in memory kaya hindi na kailangang mag download o mag configure para magamit ang macro feature.

Mas mahirap kumbinsihin ang mga contestant na gustong gumamit ng personal nilang keyboard na kumportable sila. Pero syempre bilang host, tayo parin ang masusunod.

Ano nga ba ang macro at ang kakayahan nito kung bakit kami nababahala?

Ang macro ay pag tatalaga na mga command or sets of command na pwede mong i-execute in a single key. Dahil malawak ang mundo ng computer, nagagamit ito ng tao sa ibat-ibang paraan na maaring magpagaang na trabaho nya. Halimbawa tinatamad ka ng mag type ng password mo, pwede mo nalang itong imacro. Madali lang mag macro, kailangan mo lang ng alamin ung concept ng pag susulat nito at kung anong gusto mong gawin. Basic principle ng programming.

Sa ngayon hindi pa masyadong lantaran ang pag gamit nito. Pero ako bilang frustrated computer programmer, naging fan ng macro. Actually halos 30% ng activities ko sa computer naka macro na. Paano ako mag bukas ng website, paano ako mag open ng application, paano ako mag log-in ng account, at iba pa tulad na rin nag pag aautomate ng mga laro tulad sa mga MMORPG o kahit anong paraan para madali ang dapat gawin mo ng pa ulit-ulit . Sabi ko sayo, walang limitasyon hanggat kaya mong maunawaan at naiintindhan paano i-execute.

Ngayon bawal ba ang pag gamit ng macro?

Actually noong una pa may macro na sa laro tulad ng emoticons, chat shortcut, etc. Pero ngayon dahil sa technology, maari na tayong mag macro labas sa kung ano ang pinapahintulot ng laro. 3rd party software ang macro at halos lahat ng mga laro ipinagbabawal ang pag gamit ng 3rd party software isa na nga rito ang macro.

Ganon pa man hindi malalaman ng host kung ang isang client nila ay gumagamit ng macro. Dahil nakapaloob ito sa mga key strokes ng keyboard at mouse. Ang pag process ng command ay dumadaan sa mga device at ang dating nito sa kanila ay isang normal na input sa keyboard o mouse. Kung ganto ang proseso, para sa akin walang paraan para detect ng security na ang isang command ay gawa ng macro o tao. Sa MMORPG, dahil madalas ginagamit ang macro para sa automated farming / botting, naglalabas sila ng random capcha upang malaman kung ang isang account ay nilalaro ng tao o pinapatakbo lang ng macro.

Ngayon ang problema ay sa shooting game o sa Crossfire na itong ikinababahala namin. May ibat ibat papel ang macro upang mabigyan ng advantage ang isang player sa Crossfire. Bukod sa video na inupload namin sa Youtube kung saan pinakita namin kung paano ang macro in-improve ang recoil ng gamit naming baril marami pang paraan para maabuso ang macro na ibinahagi din namin sa baba.

Sa video ito, habang naka macro, naka diin lang kami sa pag pindot ng left mouse. Alam natin lahat na para maka kuha na mataas na accuracy, mas mabutig pitik-pitik o bigyan ng delay ang pag tira. Actually ung mga magagaling sa shooting game, kaya nilang iapply to kahit wlang gamit na macro, pero dun sa mga baguhan o nangigigil sa pag tira, ang macro ang mag aautomate at maglalagay ng delay sa tira mo upang hindi magkaron ng mataas na penalty sa recoil dahilan upan bumaba ang accuracy. Gamit ang macro hindi mo na kailangan tanchahin kung kelan mo pipi-tikpitikin,  ang delay ng macro ang gagawa nito para sayo ang kailangan mo nalang gawin ay diinan ang left mouse tulad ng ginawa namin sa video.

Yan iyon simpleng macro, pero kung malawak ang utak mo, maari mong gawin ang mga susunod:

* Auto Crosshair Adjustment – Basic lang yang less recoil na yan at ang kahinaan nyan eh ung delay mismo. Para walang delay at burst pero less recoil parin, instead na delay ang iadjust mo, kailangan mong gawang ng macro ung mouse pointer o crosshair mo. Kailangan ng tyagaan dito. Iyong akin mga kahalating araw kong ginawa dahil kada isang putok kailangan mong hanapin kung saan napupunta ung tira mo. Medyo kumplikado kung iisipin. Para madaling maintidihan, halimbawa sa pag gamit ng AK tumataas ung tira nya mula sa kung saan naka tutok yung crosshair mo tapos parang nagiging “T” ung trail na bala mo. Kaya ung mga magagaling na player, bahagya nilang ibinababa ung tutok nila para mag adjust sa actual hit nila. Sa pag execute nyan, pulsuhan ung labanan at dun makikita ang pagkakaiba ng magaling sa hindi. Pero gamit ang macro pwede mo itong gawing matic. Instead na kamay mo ung i-addjust mo na pwedeng magkamali ka pa at nangangailangan ng matinding practice, ang macro ang mag adjust sa exact position. Dito pag aaralan ang bawat tira, lahat ng recoil penalty ay iaadust automatically ng macro. Bawat baril may iba-ibang recoil penalty, so bawat baril may kanya kanyang macro setting.

* Easy Bunny Hop – Actually kung magaling ka wala namang problema mag bunny hop. Pero kung may macro ka mas madaling mag bunny hop at hindi pa nakakapagod sa daliri dahil isang key lang ang gagawin mo. Para sa beginner, mahirap timingan bunny hop at alam ko lahat tayo napag daanan iyon. Lalo na dun sa pag sampa sa window A hahaha, hirap umakyat hanggang sa mapatay ka nalang ng kalaban mo. Syempre dito, gagawa kalang ng command na nakabase sa delay at exact timing para ma execute ang bunny hop. Pwede mong ibind ang key sa pag press pa ng isang key o pwede din sa hindi masyadong importanteng key mo ibind ung macro.

*Automatic Pistol – Basic narin, pero may mga pistol na ung rate of fire nila naka base sa kung gaano ka bilis ang pindot ng player. Gamit ang macro pwede mong gawin automatic ang pistol mo para sa mas mabilis na rate of fire at the same time mas comfortable sa daliri. Pero syempre bababa ang accuracy mo.

*Auto farm – Katulad din sa MMORPG, pwede mong gamitin ang macro sa grind at pag farm ng gold sa Crossfire. Dito magiging automatic ang pag boboost mo sa character. Instead na paulit-ulit kang pipindot sa pattern mo kung paano ka mag boost, ang macro ang gagawa nito sa iyo. Hint: Tatlong araw lang 5 star kana XD.

At marami pang iba katulad ng mga simpleng key combination sa zoom in at zoom out. Bahala ang programmer o kung paano mo idedesign ang macro mo.

Kung iku-kumpara ito sa mga talagang cheat ng Crossfire mababaw lang ito. Actually pwede mo magawa ang lahat ng ito nag hindi gumagamit ng macro kung magaling ka, pero sa katulad naming noob, napakalaking tulong na ito upang magkaroon ng advantage sa paglalaro. Pero ano ang halaga nito kung gagamit ka naman ng 3rd party at the same time kaya namin binubulgar ang gantong mga aktibidades para hindi magamit sa mga tournament at maging aware ang lahat.

Disclaimer: Hindi namin ini-encourage ang mga players gumagamit ng macro. Ibinabahagi lang namin ang mga ito upang maging aware ang lahat sa gantong uri ng pandaraya. Mas madali kasing maaksyunan ang issue kapag marami ang nakaka experience kesa sa panaka-naka at tago lang sa karamihan. At isa pa ang objective namin para dito ay sagutin ang issue na kung bakit bawal ang mga gantong uri ng devices sa Crossfire Tournament namin dito sa Kaylum Circle.

Please share if this helped you or worthy for others to know. Thank you!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *