Blogs

Alamat ng Panay Capiz

May customer kami nag pa research tungkol sa alamat ng Panay. Ask angkol Google syempre. Pero ang akala namin madali, hindi pala dahil ang mga nakalatha ay tungkol sa alamat ng Panay island at hindi ang sa Panay, Capiz o ang bayan ng Pan-ay. Actually nagkakaroon na kalituhan sa dalawang tawag na ito, bagaman isa lang ang pinanggalingan ng dalawang salita.

Nag ma diskurbre ng espanyol ang isla, una silang dumaong sa bayan  ng Panay na noo’y tinatawag na Bamban. Eto ang ginagawa nilang kapital dahil bukana ito ng isla at may magandang lokasyon ng pantalan para sa pakikipag kalakalan nila sa iba pang pulo.

Nang pinalitan nila ang kapital mula sa Panay patungo sa Roxas City na noo’y tinatawag namang Capiz, ang pangalang Panay ay ibinigay naman sa buong isla samantalang Capiz naman ang tawag sa buong probinsya saka tinawag na Roxas City ang kapital.

Ngayon ang ibabahagi namin ay ang alamat tungkol sa Panay Capiz na dating kapital ng buong isla.

Ang alamat na ito ay kinuwento ng lolo ko tulad din ng alamat ng Capiz. Nasa iyo kung maniniwala ka o hindi. Tara.

Madaling araw na ng makarating ang espanyol sa bayan na noon ay tinatawag na Bamban. Madilim pa kaya naghahanap ang espanyol ng mga gising na tao na pwedeng pag tanungan ng pangalan ng lugar.

Nagkataon na ang panadero lamang ang gising na mga oras na iyon. Tinanong sya ng espanyol sa kung anong pangalan ng lugar gamit ang kanilang wika. Hindi maintidihan ng panadero ang salita ng espanyol. Ang akala nito sya ay tinatanong kung anong niluluto nya. Nang sasabihin nya na ang salitang pandesal, nalalag ito kung kaya, “Pan…ay”.

Nang marinig ito ng espanyol, nag pasalamat sya sa akala nyang pag sagot sa kanyang katanungan. Ibinalita nya sa kanyang heneral tungkol dito at simula noon tinawag na ang lugar na Pan-ay.

Readers are here for:

  • komiks sa alamat ng panay
  • komiks tungkol sa alamat ng panay
Please share if this helped you or worthy for others to know. Thank you!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *