Blogs

7 Uri Nang Nakaka BADTRIP Na Costumer Na Na-Experienced Namin

Sasabihin narin namin, minsan kasi kahit na costumer hindi nila alam na nakakabadtrip sila. Hindi naman sa lahat ng pagkakataon gumagana ang golden rule dahil sadyang wala silang alam. So eto hindi namin isusulat dahil galit kami sa kanila, o may sama kami ng loob. Nandito kami para turuan sila at ipaalam na nakakabadtrip o sabihin nating nakaka offend sila. Nakaka badtrip o nakaka asar pero hindi kami galit, magkaiba po iyon. Professional kami, at  hindi namin isinasama ang emotion sa trabaho lalu pat hindi ito makaka tulong para sa objective namin. At isa pa paano kami magagalit sa mga costumer na katulad nito na kung tutuusin sila pa nga ang nagiging edge namin o advantage namin sa amin business. Tignan nyo, lahat ng tao pwedeng mag tayo ng computer shop o printing shop, pero hindi lahat ng tao merong pasensya para sa katulad kung paano kami mag handle ng costumer.

At dyan namin nilalamangan ang kompetensya. Madali mag tayo ng negosyo, pero mahirap control ng emotion. Kaya kung mapipikon ka talo kana. Kahit sa bible nandyan yan. Jeremiah 17:9, basa! Mahirap talagang kontrolin yan lalu pat nakasanayan na. Dito sa Pinas, mas madami ang mga masusungit na empleyado sa kanilang costumer kesa sa magagalang. Nakakalungkot nga na costumer ang nagpapasahod sa kanila, sila pa itong nag susungit. Gaya nga ng sabi ko nakasanayan na.

Hindi ko rin naman masisise itong mga empleyadong to dahil may mga nakakabadtrip naman talagang costumer (actually iyon nga topic ko dito). Pero titignan natin, siguro dahil wala lang talaga silang alam. Kaya kami dito sa Kaylum Circle na nakakaintindi, kami nalang ang nag aadjust. Kaya nga rin sinulat namin ito, para matuto sila. So kung isa sa mga uri ng costumer na ganito, sasabihin ko sayo, NAKAKABADTRIP KA! Pero hindi kami galit hah, naiintindihan namin.

1. Ikukumpara kami sa iba. Kahit sino naman diba mababadtrip kung ikukumpara kayo sa iba. Alam natin na lahat tayo meron kahinaan at limitasyon at hindi na kailangang sabihin iyon. Tuwing naririnig ko to bat sa ganto, bat sa ganyan, gustong gusto ko nang sabihin na sana dun kayo. Pero syempre kalma lang tayo. Minsan ito iyong uri ng mga costumer na gusto lang humingi ng discount o talagang sinusubukan iyong pride mo para pag bigyan mo sila. Halimbawa mamadaliin ka nila, so mangaasar iyan ng bakit sa kanila dun kaya mabilis. Diba nakakaasar, pero syempre magpapaka professional parin kami, dahil kilala namin sarili namin, alam namin ang kapasidad namin, alam namin ang kaya at hindi namin kayang gawin at walang masama doon. Kung nakakarinig man kami ng ganto, ginagamit namin para sa aming interest. May naalala ako dati sabi bat sa ganto mas mura. So kinonfirm ko kung totoo, at totoo nga, iyon pala sa supplier, so nagkaroon kami ng idea na maghanap ng mas murang supplier. Actually parang naisulat ko yata iyan dati at kung bakit mura sa amin.  Sa bagay na iyon, tinignan ko lang ang positive side ng issue at hindi agad agad nag padala sa emotion kahit na talagang nakakainis na ikumpara ka sa iba mabuti kung positive ang sasabihin nila. Halimbawa, “mas maganda dito sa Kaylum Circle ang gugwapo at ang gaganda ng mga nag empleyad0” ganon sana.

2. Hindi alam ng costumer kung anong binabayaran nila sayo. Actually mas masakit pa ito sa pagkukumpara. Matatangap pa namin kung sasabihin nila na mas magaling dun o mas mura dun, pero iyong kawalaan nila ng kaalam sa kung anong binibili nila, talagang mas masakit iyon. Ikukumpara ka nila sa iba na mas mura, pero alam mo at hindi nya alam na mas may quality naman iyong trabaho nyo. Pero gaya nga ng sabi ko, walang sila alam. Tapos iyong iba tatawad pa, basta maka tawad lang, sa totoo lang hindi nila alam kung anong tamang presyuhan basta sa kanila makatawad lang. Ito iyong kahinaan sa amin, direct to the point kasi kami, may computation sa pricing, may equation sa discount, at iyong sinasabi naming presyo, ayon na iyon, last na iyon at sure kami mura na yon. Kaya pag tumawad pa, hindi na namin binibigay. Hindi kami nag ooverprice para sa mga tumatawad ng costumer. Gaya nga ng tinuturo ko sa mga kasama ko, dapat maging honest tayo sa costumer. Pag gantong uri ng  costumer na encounter namin, tinatangihan namin para sya mismo ang mag hanap, sya mismo ang magkaroon ng kaalaman sa kung anong binibili nya. For sure maghahanap yan sa iba, at dun malalaman nila kung gaano ka mura ang offer namin sa kanila, kung alam lang sana talaga nila kung anong binibili nila.

3. Uutang at hindi na magpapakita sayo. Talaga namang nakakabadtrip ito. Kaya nga pag ang isang costumer umuutang, kawawa ka dahil lose-lose situation yan para sayo. Pag hindi mo yan pinautang pwedeng hindi na yan bumalik sayo. Siguro maiinis din kasi parang iba ka sa kanya at maghahanap ng ibang shop. Pero pag pinautang mo yan, nalugi kana sa pera nawalaan kapa ng costumer. So saan ka? syempre dapat wag ka nalang mag pa utang in the first place. Sa isang banda o marahil sa pagiging optimist ko na rin, pinapautang ko nalang din, at kung hindi sya mag bayad o hindi magpakita, at least nabawasan ako ng pasaway na costumer. Pasaway na costumer iyon, at hindi iyon kawalan. May mga time din na nagpapautang nalang ako, para mapagbigyan at wala silang masabi, at hindi narin sila mangulit pag katapos nun pag hindi sila nag bayad so hindi na sila makaka ulit at habambuhay mong sumbat sa kanila iyon. (just in case na magpakita pa sila sayo). Tinuro ko din ito sa isa mga kasama ko. Meron isang costumer, sobrang kunat mag bayad ng utang, halos araw araw sinisingel ng kasama ko. And then sabi ko sa kasama ko, huwag mo na syang singelin, sayang lang pagod mo dyan, basta huwag na huwag mo lang silang paulitin dahil tanga kana pag ganon. Pag umutang ulit sumbatan mo. Dahil kung sisingelin mo yan, at mag bayad dahil sa pangungulit mo, sa susunod malakas na naman loob nyan sa pangungutang kasi panghahawakan nila na nag babayad sila, pero isipin mo kung anong effort mo sa paninigil so talagang lugi ka buwan buwan o lingo lingo poproblemahin mo siya. Kaya nakakabadtrip talaga. Para hindi nalang sumama loob natin, isipin nalang natin ang mga mabuting costumer na umuutang pero sadyang nag babayad talaga. Iyon bang utang na pantawid lang talaga o dahil nakulangan lang o napasarap pero next day magbabayad talaga. Iba iba naman ang costumer, at dun nalang tayo titingin sa mga mabuti nating costumer. Basta tandaan nyo iyong mga muka ng buraot na costumer. Gaya nga ng sabi ko, pag pinaulit mo sila, ang tanga mo na non!

4. Sumasagad sa kabaitan mo. Gaya ng sinasabi ko, minsan talaga nakakasawang maging mabait. Dahil ang totoo hindi natin ma sasatisfied ang costumer dahil lang sa pag sunod sa kagustuhan nila kahit na may kapalit ito ng malaki sa side mo. Naalala ko tuloy ang sinabi ng kaibigan ko tungkol sa iPhone, na kahit na gaano ito kaganda at kalakas, meron paring deperensya para sa mga tao. Actually given na walang satisfaction ang tao at salamat dun kung nagkataaon nagkikiskis parin tayo ng bato hangang ngayon. Pero ang masaklap dito eh iyong customer na gusto ikaw pa iyong mag adjust para mapagbigyan lang sila. Meron talagang mga costumer na sasagadin ka, at sasabihin ko na, NAKAKABADTRIP KA! Kayo ang costumer na free wifi na nga, nakiki free charge pa, f**k kelan pa naging libre ang kuryente. Kayo itong mga costumer ang lakas mag claim ng free 10 hours kahit hindi naman naglalaro ng madalas sa shop. Kayo ang mga costumer na hindi nag bubuhos ng CR kahit na kung tutuusin Kaylum Circle lang ang kaisa isang shop sa panay na may sariling CR. Kayo ang mga costumer na binebentahan ng load na walang tubo, online pa (isang chat mo lang), utang pa, tapos hindi nyo pa babayaran. Kayo itong mga costumer na nag pa free research tapos hindi pa babalikan. Kayo ang costumer na nag fi-free wifi tapos ginugulo pa ang mga upuan at humaharang sa hagdan. Kayo ang mga costumer na binigyan na ng 50% discount sa printing tapos kumickback pa sa magulang. Uulitin ko nakakabadtrip kayo.

Pero hindi kami galit, dahil kayo ang sumusubok sa kung gaano katatag ang sistema ng business namin. Kayo ang dahilan kung bakit patuloy kami sa pag progress. Patuloy sa challenging part ng business na ito. Kayo ang nagpapahirap pero ayos lang yan. Sabi nga nila, kung madali itong gawin, wala itong kwentang gawin dahil lahat ng tao gagawin ito. Tangap namin na madali kaming nate-take advantage dahil alam ninyo na gusto namin ang ginagawa namin, na kahit sa kunting compensation alam nyo kakagatin namin. Alam nyo masaya kami sa ginagawa namin kahit sobrang lakas nyong tumawad.

5. Mas magaling ka pa nga sa amin tapos nagpapaturo ka pa. Tawag namin dito bida bida. Dalawa yan, ito iyong mga uri ng costumer na kinulang sa atensyon ng magulang at sa amin bumabawi o sadyang tamad lang talaga at gusto sa amin ipagawa kahit na marunong naman sya. Actually kahit ano pa dyan OK lang naman eh, ang nakakabadtrip eh iyong kami na iyong gumagawa tapos mag tuturo ng ganto ganyan. Tumatangap kami ng ideya o konsepto pero hindi kung paano namin ito gagawin. May iba iba tayong paraan at as long na parehas lang pupuntahan ng gusto natin mangyari hindi na nyo kailangan turuan kami. Pero syempre ganon pa man, ginagawa parin namin, dahil nga binabayaraan kami. NAKAKABADTRIP KA pero hindi kami galit, dahil sa mga tulad nyong costumer pa tuloy kami sa pag aaral, patuloy kami sa pagpapractice. China-challenge namin ang sarili namin na maging magaling. Dapat lang maging mas magaling kami sa costumer namin dahil eto ang profession namin eh at kasama iyan sa mantra ka Kaylum Circle. Pero syempre hindi naman kami all-knowing, tao parin at may kahinaan parin, pero dahil sa inyo, patuloy kami sa pag improve, at patuloy kaming competitive sa ginagawa namin.

6. Hindi marunong sumunod sa usapan. Lahat naman tayo nababadtrip sa gantong uri ng tao, pero pag dating sa costumer sila itong may usapan kayo kung kelan matatapos ang project tapos bago dumating ang araw na iyon, pupunta na sya sa inyo at kukulitin kayo. Dami naming naging costumer na ganto. Usapan Friday, Thursday nandito na tapos gustong tignan ang product, kahit isa lang daw  iyong natapos na. Sa isip isip ko, anong araw ba ang usapan? Friday, ang usapan usapan at wala silang pakialam kahit hindi namin ito gawin o umpisan agad basta ang kailangan lang namin isecure eh tapos ito ng Friday. Panget kasi tignan lalu na kung may ibang costumer na nakakarinig na kami itong hindi naka comply. Iyon bang anytime pupunta kayo sa shop para tanungin ang project at wala kaming mapakita pa dahil ang totoo hindi pa naman talaga dumating ang pinag usapang araw. Actually ang dahilan dito ay dahil hindi lang naman kayo ang costumer namin. May mga naka line up na kami na trabaho at hindi namin pwedeng mag jump off sa ibat-ibang project. Sa printing, mas maganda kung sabay-sabay gawin. At kung pakiramdam nyo hindi namin ginagawa ang project wag po kayong magalit, magalit lang kayo kung dumating ang araw na pinag usapan at hindi kami naka comply. Actually mabilis naman talaga kaming gumawa 24 hours lang ang leads namin. Kaya namin 100 Tshirt sa isang araw at kaya rin lang naman nagkakaroon ng delay madalas dahil narin sa costumer, sa layout nila na pabago-bago o sa pag bigay nila ng Tshirt na hindi sama sama. Iyon bang tapos na sana ang project pero na delay sila ng bigay ng tshirt tapos gusto nila bukas din tapos kasi nga 24 hours leads. Ang delay – delay yan, at gaya nga ng sabi namin meron kaming line up ng trabaho dapat sila naman umintindi dahil sila ang dahilan ng delay.

Hindi lang sa maagang pag kuha ng project meron ding nakakabadtrip na costumer dahil hindi kinukuha ang project. Ang dahilan bakit 24 hours lang ang leads namin para mapera din agad namin ang binili namin sa mga materials. Meron kaming mga costumer na nirush namin ang pag gawa tapos nag agree kami na kukunin nya agad, tapos next month pa pala babalikan at babayaran. Tatanungin ka nila kung kelan matatapos, sasagutin namin bukas OK na to, tapos kukunin pala next month so next month pa pera namin kahit isang araw lang namin tinapos.

O kaya naman may appointment na kayo tapos di sya darating tapos bigla nalang syang pupunta sa ibang oras na akala nya sya lang ang costumer namin at iniisip ng buong team.

Meron ding costumer na meron nang quotation ang project at nabigyan na ng discount base sa dami na ipapaprint. Na agree na kayo sa presyo na meron discount dahil 100 pcs ang ipaparint inyo pala 50 pcs lang. Tapos sya pa ung may ganang mag sabi o bakit nag mahal diba may presyo na tayo. Nakakabadtrip no? Hindi lang sa dami ng tshirt may pagkakataon pa nan nag mag bago sila ng design tapos nagtataka kung bakit nag bago ang presyo.

7. May kasunduan na sa presyo tapos biglang tatawad dahil madali namin natapos. Sobrang badtrip din ako sa gantong costumer. Iyong bang parang kasalanan ko pa dahil magaling kami o may sapat na kaalaman kaya madali namin natapos. Eto iyong pag gumagawa ako ng computer eh, tapos may presyuhan na kami na ganto na ganyan na actually murang mura. (100 pesos lang single ko sa reprogram/reformat mula 2014-17, 150 pesos noong 2018) So tataposin ko iyon na mabilisan. At pag bayad na ni costumer tatawad pa kasi saglit lang daw naman na madali lang daw naman. Pero kung tutuusin 350-400 pesos ang reprogram, 500 kung may back up. Ang matindi pa dito di mo agad agad makukuha ang unit mo. Sa amin dito sa Kaylum Circle tinatapos namin agad dahil alam namin ang sakit kung may sira kang unit tapos ang technician nag papa bebe o matagal gumawa tulad nalang pag brownout o kaya walang internet bawat oras na lumilipas pera ang nawawala. Naiintindihan namin ang part na iyon, kaya binibilisan namin ang pag gawa para maka balik agad sa operation iyong unit. Pero ang dating tatawad pa si costumer dahil madali lng daw. Hahaha napapamura nalang ako sa loob loob ko. Hindi kasi porket madali sa amin madali din sa ibang tao. Madali sa amin kasi pinag aralan namin at alam namin ang gagawin. Lahat naman ng bagay sa mundong ito madali kung alam mo. Kaya minsan naiisip ko lalo pag may experience na ako sa costumer na iyon, sa umpisa palang sasabihan ko, hay maam/sir mahirap itong gawin iwan mo nalang balikan mo mga 3 days. Tapos pag bumalik sila sabihin ko nahirapan ako tatlong araw kong ginawa. Pag narinig nila iyan hindi sila manghihinayang mag bayad. Ano ganon ba gusto nyo? May mga costumer talagang nanghihinayang magbayad kahit sobrang sulit naman nag serbisyong pinakita mo. Iyon bang ikaw pa ung hiningan nila ng tip kasi madali lang naman. Basta nakita nilang madali, dapat mura lang din. Eh nag mumuka lang naman talagang madali kasi may sapat kaming kaalaman at sapat na gamit.

Pangalawang halimbawa, pag edit ng video o audio, at natapos agad 3 minutes singelin namin ng 25 pesos, iyong iba parang ayaw pang magbayad kasi saglit lang daw. Nag muka lang saglit kasi high-specs ang PC namin, kung sa mahinang PC mo yan ipagawa baka sa rendering palang aabot na ng shamsham. Uulitin namin hindi lahat ng madali sa amin, madali sa iba, eh kung ganon sana ikaw nalang ang gumawa.

Iyan muna sa ngayon, alam namin marami pa kaming maeencounter sa hinaharap pero palagay ko handa naman kami para doon. Gaya nga ng sabi ko advantage namin ito dahil ang mga gantong uri ng costumer ang nagbibigay sa amin ng edge sa competition. At isa pa bilang gamer parte na ng buhay namin ang pakikisalamuha sa mga toxic na tao, sana na kami sa gantong sitwasyon. Minsan may nagtatanong nga sa akin kung saan ko hinuhugot ang gabundok kong pasenysa, sabi ko sa computer games. Nandyan kasi talaga lahat ang mga cancer at toxic na tao dahil madali para sa kanila ang magsalita through online kesa harapan. Mas madali kang makarinig ng mga masasakit na salita. Pero ngiti lang, gaya nga ng sinasabi ko, matanda na ako para dyan. Kaya kong makipag gaguhan pero hindi mo makikita sa muka kong nababadtrip ako sayo kahit na kanina pa kita pinapatay sa isip ko. /gg

Please share if this helped you or worthy for others to know. Thank you!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *