Blogs

7 Paraan Paano Kumita Ng Pera Sa Paglalaro Ng Computer Games

Gaya nga ng buong paninidigan ko na hindi nakakasama ang paglalaro ng computer games, narito naman ang isang akda na sasagot kung anong mabuting naiitulong ng computer games. May posibilidad ba talagang kumita dito at maging hanap buhay? Opo, eto po ang aking 7 paraaan paano kumita sa paglalaro ng computer games.

Pero una sa lahat gusto ko munang mag bigay babala na di makaka buti huminto sa pag aaral at eto ang tahakin na landas. Mahalaga parin ang pag aaral sa lahat. Tanging masasabi ko na magkaiba ang buhay natin hindi pwedeng mag yari sayo ang mga nagyari sa akin. Subalit kong kailangan mo ng magpakakaperahan para sa pag aaral o pan tulong sa magulang, welcome sa good side nang paglalaro ng computer games:

1. Farming


Eto iyong pinaka madali at the same time pinaka matrabaho. Hindi ito nangangailangan ng matinding kasanayan sa kung ano mang laro. Kailangan mo lang maging matyaga dahil paulit ulit ang iyon gagawin sa loob ng ilang oras, o lingo o maaring buwan. Ang farming ay pag papayaman sa isang laro gamit ang isang paulit ulit na proseso kung saan mas malaki makukuha sa ganoong paraan. Ang kayamanan na makukuha mo sa laro ay pwede mong ibenta sa totoong buhay. Gaya ng sabi ko paulit ulit ang proseso na kadalasang kinatatamaraan ng manlalaro. Kaya ang mga players na kayang gumastos ay bumili na lamang sa mga players na kayang mag farm.

Ito ang una kong  pinagkakitaan noon. Nag babantay ako sa computer shop na may sahod ng 50 pesos or 1500 monthly. Sobrang liit noon para sa gastusin ko araw araw. Nag-isip ako kung paano magagamit ang resources na meron ako bilang computer shop attendant. Nakita ko ung Ran Online, isang usong laro noon at doon ako nag farm. Ang palitan noon ay 50 Pesos per 1 million gold. Sa loob ng isang oras nakaka 400,000 gold ako, average na un dahil swertihan din. Sa isang araw kumikita ako ng 200 Pesos mula sa 12 oras kong pag fafarm. Syempre nakakapagod din at masakit sa ulo pero kailangan kumita at wla din naman masyadong ginagawa bilang bantay-shop.

Sa farming hindi naman din fix ang kita. Pag malakas ung character mo or gamit mo sa pag fa-farm mas mabilis din ang kitaan. Kaya ung ibang farmer na nga-ngapital din para mas malakihan ang kita. Pero gaya nga ng sinabi ko, eto ung madaling paraan at hindi mo rin kailangan ng malakas na character mas importante ang tyaga dahil masakit to sa ulo sa umpisa.

Kung nais mong pumasok sa gantong trabaho dapat maghanap ka ng larong mabenta, sikat at my potential market na posibleng gumastos ng pera. Piliin mo rin ung larong wlang cheat, hack o bot na pangunahing kalaban ng farmer. Mas maganda mag farm sa mga bagong laro na meron mas malaking pontential at kunting hacker o bot dahil bago pa lamang.

2. Pilotting


Ang ibang mga mayaman instead na bibili sa mga kapwa players, mag hihire ng pilot na syang mag fa-farm at maglalaro sa account nila upang masigurado ang progress nito. Bilang pilot ay maari ka ding mag farm o ipagpatuloy ang progress ng character para mas lumakas at yumaman ito. Tulad ng farming, sikat ang ang pilotting sa MMORPG pero meron din nag papilot sa mga MOBA o laro tulad ng League of Legends or Mobile Legends. Iba ang takbo ng serbisyo dito dahil hindi ka masyadong mapapagod. Ang kailangan mo dito ay husay sa isang laro. May mga players na gustong makatamasa ng mataas na rank sa laro subalit salat sila sa kahusayaan o  kaya naman busy sila sa trabaho nila dito sila kukuha ng pilot.

Bilang pilot kailangan mo nang reputasyon dahil hindi basta basta ipagkakatiwala ng ibang tao ang account nila sayo. Eto rin ang karaniwang nagigiging ugat ng hacking or pag nanakaw sa kayaman ng isang character para sa sarili nilang interest. Pag pilot ka hindi lang effort mo ang binebenta mo kundi ang husay at credibilidad.

Mas malaki ang kinikita ng mga pilot kesa sa mga farmer. At dahil may access ka sa mga characters ng mga mayayaman na sigurado namang malalakas, magagamit mo itong opportunidad para kumita pa ng mas malaki.

Kung sa MOBA ka naman pilot at lubhang magaling ka, easy money lang sayo ang lahat. Tandan reputasyon ang pinakamahalaga dito. Ingatan mo ito at wag magpapatukso.

Sa League of Legends pwede kang kumita ng 3000 mula sa pagpapilot ng character papuntang Diamond Division, 1500 naman sa Platinum. Kung sa Mobile Legends naman 1500 para sa Mythical Legend rank. Pero syempre di fix yan, depende parin sa market at sa reputasyon mo bilang pilot.

Kung MMORPG naman mas malaki depende sa cliyente mo lalu na sa mga international game dahil dollar ang rate. Kung magkano mahirap mag bigay ng digit dahil iba iba naman ang laro. Kung papasok ka sa ganto trabaho mas mabuting sila ang pa presyohin mo dahil depende naman ang approach ng ibat-ibang player sa kung anong ipapapilot sa kanila.

3. Game Moderating (Game Master)


Kung hilig mo talaga ang laro at gusto mo ng ibang level na laruan. Pde ka ng mag apply bilang game moderator or game master. Mga bata hindi ito iyong, game master na nasayo na lahat ng gamit, or kaw pinakamalakas sa laro, na namimigay ka ng mga VIP guns etc. (Pauso kasi ng Ragnarok iyon, na game master makikipag laro sa mga players tapos tatalunin nila ang players kasi editted lahat ng gamit nila at ang mga players ay sasambahin sila) Ang game moderator ay ang mga taong nag babantay sa laro ang nag rereport kung may bug, o violator o kahit anong issue. May mga laro na nag hahanap ng ganito. Kailangan mo lang ng advanced na kaalaman tungkol sa laro, magandang pag uugali sa pag handle ng mga clients/players at syempre marunong mag analyze ng mga case.

Sa gantong trabaho una papasahurin ka nila ng in-game item or cash. Depende sa iyo kung bebenta mo iyon. Pag maganda ung performance mo, kukunin ka nila as part na talaga ng team at dun kana sasahod ng pera. Para narin itong online job at kailangan din ng tyaga dahil 8-10 hours kang mag babantay ng laro, makikipag discus sa mga players at mag rereport ng mga issue. Nakakapagod din, eh ano nga bang trabaho ang di nakakapagod.

Dollar rate dito o depende sa company na napasukan mo. Napapasok ako dito at sa dalawang lingo kumikita ako ng $50 o 2500 Pesos sa pag tatrabaho ng 40 hours per week.

Maliit sya pero OK na rin dahil online lang naman sya at masaya naman ako sa ginagawa ko. May mga limitasyon nga lang na hindi mo pde gawin o pag sabayin bilang GM at player. Hindi mo pwedeng sabihin kung sino ka or else tatangalin ka sa trabaho mo at ibaban nila ung account mo. Hindi karin pwedeng mawala habang naka duty ka. Sa mga tanong kailangan mong mag reply in less than 5 seconds na silang binabasihan kung nag tatrabaho ka talaga o may ginagawang iba.

Kung may disadvantage mas maraming advantage. Ahead ka lagi sa mga event, alam mo ung mangyayari sa laro. Nababasa mo lahat ng chat ng player, kaya nga parang pakiramdan mo dyos ka (pero syempre isa lang ang Dyos) actually minsan masasaktan ka, malalaman mo na galit pala sayo ung isang tao pinaplastic ka lang parang ganon. May access ka sa database ng mga players, pde mong hanapin ung mga FB or ligawan sila o kahit anong details na sinubmit nila sa laro. Alam mo ung mga bug issue at pde mo iabuse para sa interest mo pero syempre pag nahuli ka sipa ka. Marami pang iba depende lang talaga sa company na papasukan mo, meron talagang mga GM na may access sa developer tool kung saan pde mong lagyan ng in-game item ang personal na account. Pero syempre wag mong gagawin iyon kung may respeto ka pa sa sarili at trabaho mo.

4. Live Streaming


Eto ung sikat ngayon dahil maraming mga celebrity at game superstar ang gumagawa nito hindi lang dahil sa pera pati narin sa karangyaan. Mas madali kung tutuosin ang trabaho na ito subalit kailangan meron ka alin man sa dalawang bagay na hindi makikita sa karaniwang tao. Una kailangan magaling ka talaga sa laro. Dahil wala namang gustong manuod sa taong magkakalat lang sa laro unless entertaining ka at iyon ang ikalawang factor na kailangan mo. Bagaman mas mabenta ang mga magagaling sa laro, meron parin naman streamer na entertaining sa kanilang ginagawa tulad ni Gloco na may magaling na humor at pananalita o kaya naman si Ann Mateo o Lhea Bernardino na kahit hindi parin naman na tayo nakukulangan ng kalaswaan sa internet sadyang mabenta parin sa mga lalaking hilig ang girl gamer. (Anyway meron akong sinulat tungkol sa reality and expectation of Girl-Boy gamer relationship) Sila ung tipong hindi naman kagalingan at puro mura lang ang maririnig mo pero dahil magaganda at sexy, mabenta parin sa streaming. Para sa mga taong may ibang klaseng fetish.

Tatlong paraan para kumita sa streaming. Una sa sponsor mo, advertisement ng channel mo at ng views mo mismo. Kung sikat ka sa game streaming parang celebrity ka narin, may mga kakatok sa pintuan nio at aalukin ka ng sponsorship. Dun gagamitin mo ung products nila tapos babayaran ka nila. Ang ads naman eh ung third party program between sa advertiser at publisher (Youtube/Twitch) so pag may conversion ka o ung nag click sa ads at bumenta ung ads, may kita ka nun. At sa huli ung usual na pinang gagalingan ng profit, ung per views. Promising syang pakinggan pero dapat bilang streaming bigyan mo ng reason ang mga tao na panoorin ka nila o kung hindi kahit mag sampung taon kang mag live stream di ka parin kikita.

To be honest di ko pa ito na try or kung na try ko man hindi katulad ng mga ginagawa ng mga talagang streamer. Pero sa mga nabasa ko at sa pag announce narin ng mga streamer katulad ni Gloco kumikita sya ng average na $1000 o 50,000 Pesos monthly. Ang kitaan sa streaming ay depende sa audience. Ang views na galing sa Pilipinas ang may pinakamababang rate. Kaya sa dami ng subscriber/views ni Gloco maliit kung tutuusin ang $1000 pero OK narin, puro kalokohan lang naman ginagawa nya, kumikita pa sya.

5. Alpha/Game Tester


Bago napasok ang game moderating nakapagtrabaho din ako bilang Alpha Tester. Dito palalaruin ka ng samut saring laro tapos irereport mo kung sakaling may bug or error sa laro. Maliit ang kita dito kumpara sa mga nauna pero dahil maglalaro kalang din naman at kikita ka pa, OK narin itong sideline. Kailangan lang magaling kang mag analyze na kung saan iyon ang irereport mo. May dagdag sahod din base sa mga nakikita mong bug. Sa panahon ko, kumikita ako ng $100 monthly sa gantong trabaho o umaabot ng $200 kung madami akong bug na nakita. Ang challenging sa part na ito eh ung ibang mga players din na naghahanap ng bug. Dapat maunahan mo sila o sayang ang effort mo kung sa pag submit mo ng report meron na palang naka pag report nito.

6. Tournament


Kung magaling ka talaga sa isang laro pwede mo itong pagkaperahan sa pagsali sa mga tournament. Sobrang active ng gaming scene sa Pilipinas, buwan buwan madaming tournament ang pwedeng salihan. Pero dito tulad ng ibang nasa listahan occasional lang ito at marami kang ka kompetensya na parehas ang inisip sa iyo. Di rin ganoon kalakihan ng ang kita dito pero madalian kumpara sa farming or pilotting. Pwede kang sumali sa tournament ngayon at uwi mo agad ang premyo mamaya.

7. Game Blogging


Eto pinaka gusto ko sa lahat o pinaka pinag tuonan ko ng pansin. Kung sa pilotting at farming lang ako, magiging alipin ako ng trabaho. Un bang pag di ako nag pilot/farm wala akong kita. Dito ko pinasok ung pag bo-blogg. Kung saan pde akong kumita passively at the same time maka earn ng reputation para sa ibang project. Kung kaya ko lang mag live stream full package na pero wla ako ng dalawang binanggit ko sa taas.

So ano ang ibo-blogg. Ang isusulat natin eh kung ano ang na discover sa laro. Halimbawa kung saan ako nag fafarm or nag-gagrind. Makikita naman nila iyon sa sa kung ano ang progress ko at magkakaintres sila sa kung ano ang isusulat ko sa aking blog. Mas madaling makumbinse ang isang tao kung nakikita nya ang resulta. (Kaya nga  sasakyan ang binabalandra ng mga nag nenetworking sa mga prospect nila dahil mas madali silang maakit dito.) Kung malakas ka sa isang laro magiging intersado sila sayo, alalamin nila sekreto mo o strategy na kung saan pde mong ibahagi gamit ang blog. Naalala ko mahilig na talaga akong mag sulat ng guide sa likod ng notebook ko mula sa laro na natapos ko. 11 years old ako nung nag simula akong mag sulat ng guide sa Final Fantasy 8 at 7 na hindi ko lumbos maisip na eto palang magiging profession ko.

Paano ka naman kikita sa pag-boblog? Parang streaming din through ads, sponsorship at views. At tulad ng streaming kung saan mag sisignup ka sa mga steaming website, dito naman mag sisign up ka sa mga blogging website.

Katulad din sa live streaming kailangan bigyan mo rin ng dahilan ang mga tao na basahin ang blog mo. Pupunuin mo syempre ng information na mas madali kung malakas ka sa laro, popular ka sa laro at may source ka sa laro tulad ng game moderating or personal experiences. So parang magkakakonekta ang lahat at masasabi mong umiikot ang mundo mo sa paglalaro ng video games.

Sa huli kung iniisip mo na puro masamang epekto ang paglalaro ng computer games, mabuting iconsider mo ulit dahil ang buong Kaylum Circle ay naging possible dahil sa mga yan.

Readers are here for:

  • nag hahanap ako ng trabaho saan meron sa japan
Please share if this helped you or worthy for others to know. Thank you!

One thought on “7 Paraan Paano Kumita Ng Pera Sa Paglalaro Ng Computer Games

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *