Blogs

7 Na Dahilan Kung Bakit Mura Sa Kaylum Circle

“Man barato sa inyo haw?” Iyan iyong malimit na naririnig namin especially pag dating sa T-shirt printing. Ngayon ibabahagi ko sa inyo ang mga ilang dahilan bakit nga ba mura sa amin.

“Never ever compete on prices instead compete on services and innovation” – Jack Ma

Galing kay pareng Jack Ma, isang pag lilinaw ito na hindi kami nakikikapag compete sa price. Mura sa amin hindi dahil gusto namin makakuha ng maraming customer mula sa ibang shop. Naniniwala kami sa aming kakayahan at sapat na ito upang makakuha ng customer hindi na namin kailangan mag baba ng presyo. Subalit kung bakit nga ba mura sa amin, narito ang anim dahilan:

1. Murang supplier – Eto ang basihan ng presyo namin. Hindi kami basta basta nag dedeklara ng presyo. Hindi rin kami basta nag babase sa iba nang presyo. Nag cocompute kami o ang tinatawag na costing. Sa costing ang may pinakamalaking part ay ang supply dahil ang effort o manpower ay adjustable subalit ang presyo ng supplies/materials ay fix kung kayat sa kahit anong dahilan, dapat makakuha tayo ng murang supplier. Ito nga ang isa sa mga rason kung bakit mababa ang presyo namin. Importante ang supplier, sila ang magiging business partner dahil hindi lang dapat mura, maganda rin ang quality ng mga binebenta nila. Sa sitwasyon namin, meron kaming mapagkakatiwalaang supplier mula sa Maynila na talaga namang nag bibigay ng mababang presyo na higit sa 40% kesa sa mga mabibilhan mo dito sa Capiz.

2. Sapat na kaalaman – Kung alam mo ang ginagawa mo, lagi kang makakahanap ng madaling paraan para dito. Ito iyong gusto ko sa IT  may isang sitwasyon, marami ang paaran, nasa sayo nalang kung gaano mo mapapadali ang lahat. Kung madali namin nagagawa ang isang bagay dahil sa sapat na kaalaman na meron kami, hindi namin kailangan gumastos ng malaki o gumugol ng mahabang oras para matapos ito. Alam natin sa business ay ang oras = pera, so mas maikling oras mas mura. Ito iyong pinaka sandata namin, lahat tayo pwedeng magkaroon ng murang supplier pero hindi lahat ng tao pwedeng mag akin kung ano man ang aming natutunan mula sa mahabang panahon at patuloy na pag aaral sa business namin na ito. Kaya nga compyansa kaming ibahagi ang aming sekreto sa pagkakaroon ng murang supplier dahil alam namin magkakatalo parin pag dating sa abilidad. Meron din kaming kaalaman sa pag gawa ng aming mga equipment kung sakaling masira, kaya bawas gastos pa ito sa maintenance fund.

3. Sapat na gamit – Mas magagamit natin ang buong potensyal ng ating kaalaman kung meron tayong sapat na gamit. Maari itong mga equipment o software na syang nag papabilis ng trabaho. Dito papasok ang pagiging innovative namin. Dapat laging may bago, may improvement. Kung gaano kabilis ang takbo ng technolohiya, dapat ganto din tayo sumabay dahil nasa isang mundo tayo ng ginagalawan. Halimbawa mabilis kaming nakakapag edit ng mga video dahil mabilis ang gamit naming processor. May mga macro kami na syang nag au-automate ng mga task mula sa pag dedesenyo, pag likha, hanggang sa pag produce. Ginawa ang computer para mapadali ang ating mga gawain, kaya dapat lagi tayong magbalik tanaw sa prinsipyong ito. Laging mag isip kung paano natin ang isang bagay mapapadali. Kung baga update update din pag may time.

4. Limitado ang empleyado – Hindi namin kailangan mahalan ang serbisyo para habulin ang pasahod sa empleyado. Ito rin ang dahilan kung bakit ayaw namin mag dagdag ng maraming empleyado at dumating sa punto na kailangan naming mag taas ng presyo para ma sustain ang malaking bahagi na nakukuha sa pasahod sa mga empleyado. Sa dami ng services at sa haba ng oras (6-10pm) na bukas ang shop, meron lamang akong dalawang empleyado. Pero hindi ibig sabihin nito na nalilimitahan ang serbisyo namin dahil kompyansa kami na kaya ng dalawang ito pasilbihan ng mabilis ang mga customer. Quality over quantity ika nga nila. Isa pa bagaman dalawa lang ang empleyado ng Kaylum Circle, buong pamilya naman kaming nagtutulong tulong na lahat ay may sapat na kaalaman sa aming ginagawa. Family business nga sabi nila. Ang maganda dito hindi ko sila pinapasahod o binabayaran, mabilis na internet lang masaya na sila. Simpleng math lang yan, mas maraming empleyado, mas mahal na produkto/serbisyo para ma sustain ang business. Kung tutuusin ang empleyado tulad din ng materials kasama rin yan sa costing na syang binabasihan ng presyo.

5. Long term business – Mula umpisa, target namin ay long term. Mula sa pag pili ng mga gamit, at lalung lalu na sa pag sisilbe sa aming customer. Hindi ito hit and run kung saan pepresyohan ang walang kaalam-alam na customer ng mataas na price. Meron kaming rule, ito ay dapat mapabalik namin ang customer at magagawa lang namin ito kung tamang presyo lang ang sisingilin namin sa kanila. Marahil sa una hindi nila alam ang tamang presyo, pero sa mga susunod na araw, malalaman nila, at kung gusto natin ng long term business, dapat honest tayo sa ating mga customers pag dating sa presyo. Magandang halimbawa rito iyong mga nag bebenta sa loob ng barko o bus. Alam natin ng overprice sila, pero ok lang sa kanila dahil alam din nila na ikaw ay pansamantalang customer lang. Hindi nila kailangan mag invest ng trust sa inyo dahil pag katapos ng byahe ikaw ay baba at hindi na nila muling makaka transaction. Pero hindi ganyan ang takbo namin dito sa KC, gusto namin pangmatagalan, kaya lagi kaming magiging tapat sa inyo.

6. Pagiging humble – Mula umpisa eto iyong prinsipyo namin sa buhay. Maging humble, ma kontento sa maliliit na bagay. Maging masaya sa kung ano man ang ginagawa hindi sa kung ano man ang nakukuha namin dito. Kung nakukuntento lamang tayo sa maliliit na bagay, gaano man ito kaliit, maapreciate natin ito. Minsan kapag naghahangad tayo ng malaki, nag mamadali tayo. At isa rin itong bagay na nakaka apekto sa presyo ng serbisyo. Kung mananatili tayong humble at pagiging kunteto sa maliliit na bagay, masaya na tayo sa mga bagay na natutunan natin, maging sa pag sisilbe sa mga customer. Kung humble tayo, mag dadalawang isip tayo mag demand ng mataas na presyo kasi alam natin na tayo ay nag bibigay serbisyo hindi lang para magkapera kundi mabahagi din ang kaalaman sa iba at tayo ang humihingi nga pabor sa atin mga customer. Kya nga eto rin ung tinturo sa ko sa mga katrabaho ko, work to learn not to earn dahil priceless ang kaalaman at naniniwala ako na lahat ng ginagawa natin ay mag bubunga sa huli, hindi kailangan mag madali ang importante masaya tayo at patuloy sa pag usbong.

7. Passion – Eto iyong pinaka importante o may pinakamalaking dahilan. Gaya nga sinabi ko sa taas masaya kami sa ginagawa namin kaya hindi kami ganon nag hahabol sa presyo. Kung iyong ibang tao nga gumagastos pa para sa kaligayahan nila kami ito iyong kasiyahan namin. Tignan mo iyong mga naglalaro ng computer, laki ng ginagastos nila para sa kasiyahan nila. The same satisfaction na raramdaman namin sa kung anong nabibigay sa kanila ng paglalaro ng computer,  kaya kung mura man ang presyo, hindi na ganon ka big deal buti nga hindi kami gumagastos, kumikita kami kahit maliit ok lang basta ang mahalaga masaya kami. Iyon naman talaga ang dapat sa mundong ito, dapat masaya ka sa ginagawa mo. Kita naman sa mga mukha namin diba? Ito rin ung dahilan kung bakit iyong iba overprice hindi lang sa gantong negosyo, sa ibang business narin. Nag ooverprice sila kasi hindi sila masaya sa ginagawa nila. Alam mo iyong pakiramdam na tamad na tamad na sila sa ginagawa nila at ang dahilan para sila magpatuloy ay ang pera na makukuha nila sa business at hindi sa ginagawa nila,  kaya ang resulta overprice. Dahil kung hindi kana natutuwa sa ginagawa mo, mabilis kang mapapagod at maiisip mo hindi sapat ang kinikita mo para sa pagod, kaya ang resulta overprice. Pero pag nasayo ang passion, masaya ka sa mga munting bagay, masaya ka sa kung anong natutunan mo araw araw sa mga customer na napagsisilbihan mo. Masaya ka sa mga natatapos mo, sa design at sa pangkahalatang output. Hindi tayo makakaramdam ng pagod at ang lahat ng bagay kasama ang murang halaga ay sapat na. Masasabi ko rin na workaholic ako, iyong bang sobrang nasisiyahan ako pag nagtratrabaho kahit hanggang alas tres ng madaling araw. Ito iyong kasiyahan parehas sa nararamdaman ng mga taong alcoholic kapag umiinom sila ng alak o para mas makarelate ka, iyong feeling kapag nakikipag talik ka, ganon din ang feeling ko kapag natatrabaho ako. So kaya kung customer ka, hindi ko kailanman iniisip na ikaw itong may utang na loob sa akin, kundi ako ang may utang na loob sa inyo dahil sinasatisfy nyo ang pagiging workaholic ko.

Siguro sa mga yan nasagot ko na ang mga tanong ninyo o pag tataka bakit ganto sa amin. Ngunit gusto rin namin ipaalala na oo nga mura, subalit kailangan din natin intindihin ang limitasyon at ang realidad na kami ay kumakain din, na kami ay may gastusin din, na kami ay may pangangailangan man upang lalu pang mapaganda ang serbisyo. Ito ay isang pagpapaintindi sa mga customer na gustong tumawad ng mas mababa sa price margin namin kahit na ang totoo sobrang mura na iyon. Reality check: kahit gaano pa ka mura ang presyo namin, meron parin tatawad o marahil hindi nila alam ang tamang presyuhan.

Para sa buong listahan ng mga aming mga serbisyo kalakip ang mga presyo, maari ninyo bisitahin ang page na ito.

Please share if this helped you or worthy for others to know. Thank you!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *