Archives

Olotayan Island Overnight

Eto ang naganap sa aming pag overnight sa isla ng Olotayan isa sa mga tourist spot sa Capiz. Mula sa dalawang linggong pagpapalano, takutan na baka may aswang, ambanggan ng isang daan at mga kalokohan sa chat – natuloy at lahat ay nag enjoy. Ibabahagi namin dito sa website ng Kaylum Circle ang isang napakasayang ala-ala na sana ay madagdagan pa sa mga susunod na outing. “crossfinger”

Naganap to noong May 6 2018. Actually nag usap kami kung anong date, dahil kung mag oovernight May 7 na kami makaka uwi at lunes na un. Kung May 5 naman katatapos lang din ng pyesta dito sa Panay at ang lahat ay pagod pa. Sa huli napagpasyan namin na May 6, dahil sabi ni Papang na manami sa May 6 kay “May Six”.

Maaga pa ang usapan, 5am dapat nandito na sa shop so May 5 palang na namin pinatulog sa apartment ung mga sasama para wala talagang mag pi-Filipino time. Kung sa Pawa medyo dismayado dahil kunti lang ang sumama, dito sa outing namin na ito mas dumoble ang saya kasi ung mga wla sa plano na sasama tulad ni Jhun jhun at Ryan ay nakasama. Kaya gabi palang nag inom na kami sa apartment pampatulog at kundisyon narin para bukas.

At syempre di namin pina inom si Kenneth Allen Cagayan aka Bogor kasi minor pa sya at bawal iyon. Kaya pinatulog nalang namin ng maaga. Ayan ang ibidensya.

Nasa Agojo na kami pero di pa nakakasakay ng bangka dahil nag aalala iyong bangkero na marami daw kami at ang bangka kasing laki  lang nng *$%&# ni Myko. Sadyang maliit. Kaya tumawag pa ng karagdagang bangka.

Salamat at nakasakay narin kay ella. Masarap sumakay kay ella kasi malaki sya. Kayang pumalag sa alon na kahit na ang anak kong takot sumakay sa bangka mula sa trauma nya last year, ngayon kalmado na sya. Eto rin ang unang pag punta ni Papang at Dexter sa isla kaya medyo may kaba ang dalawang ito. Marami talagang mga first time sa buhay ni Papang na na-experience nya sa Kaylum Circle. Ganon pa man, walang dapat ikabahala dahil nandito sa captain dickies. Nasisinid nya ang ibat ibat uri ng dagat, ang kalalimlaliman. May mga dagat syang naputahang mapanghe, at minsan ma pula ganon pa man ang tigas ng kanyang loob ang laging namamayagpag.

Kakatapos lang ng almusal, ready to swim na. Nagyaya narin si dickies uminom. Napa elibs kami ni Myko sa kanya sarap ng luto nya sa bangus. Nakatawa rin iyong pag mimix nya ni Dickies dahil bawat lagay ni Jhun jhun ng tubig, sina sabi nya sobra at kailangan bawasan. Hanggang sa kunti nalang talaga ang tubig, sabi ko, “meg sobrang tapang nyan”, hambal nya, “di ko man pag ibutang tanan ang bilog na long neck, hahaha”

Eto iyong unang timplang nakapagpatulog kay dexter ng maaga.

“Armas ni Naughtylus” Joshua Besana, Ryan Quialapio, Jhun Jhun Salva. – Wala naman masyadong kakaiba sa abandoned anchor na yan. Pero dun sa bahay sa taas, nakikita mo un? May kasama kaming may 6th sense at sabi nya malakas daw ang pwersa dun. Nangaling kami dun last year, at this year ung naramdaman nya ganon parin. May nag bubulungan o parang nag uusap. Sabi nya nga, “Nandito parin ung nagbubulungan last year pa to ah”. Sa may mga gift din, siguro na experienced  o maeexperience nio rin iyon sa parte na ito ng isla dun sa may abandonadong bahay.

Part 2 ng ilibing si tingig ng buhay. – Noong una ayaw nya pa. Binigyan namin sya ng option. Kung papayag syang ilibing, bibigyan namin sya ng 26 hours gaming time. Ayaw nya at dahil nalibing narin namin sya dati, boring narin kung pupwersahin ulit namin sya. Nang nag bago na ang prospect namin saka sya nag palibing ng libre.

Memorable din ang lugar na ito ng isla dahil meron isang tao ang lumapit sa amin na may dalang itak na winawagayway nya. Akala namin baliw pero kinusap kami at tinanong kung saan daw kami naka pwesto. Sabi namin dun kami sa may bayad sa kabila. Sabi nya, dapat daw dun lang kami pumunta kasi ibang lugar na daw dito at dahil daw dun kami nag bayad. Pero actually etong side na tong ng isla ay libre. Parang nag seselos sya na dun kami rumenta sa may bayad tapos nandito kami sa libre. Akala nga ng kasama namin na bakasyonista na sya iyong may ari ng isla. Galit sya na parang nandadarag at lumalabas na gusto nyang magbayad din kami sa kanya, dahil may nabanggit sya na ung pumunta dun sa lugar na un, “voluntaryong nag bibigay”. Kung sa bagay kung haharap sayo may itak, magbibigay ka nalang voluntaryo. Di namin natandaan ung muka or na picturan. Ang palatandaan lang ay bakla sya.  Pero syempre balik nalang din kami sa kabila. Baka mangyari sa amin iyong napapanood namin sa mga horror movies na camping tapos papatayin isa-isa.

Maghahapon na to, pupunta sana kami sa may lighthouse kaya lang wala palang daan dito, paikot lang pala it kailangan namin lumangoy talaga ng dagat.. Ang hirap ng daan papunta dito kaya maingat kayo kasi talagang madulas. Eto ung medyo naka hiwalay na parteng bahagi ng isla. Mapanganib ang daan dito sa dami dami ng mga pumupunta sa lugar na ito, ang mga nakikita ninyong tao sa iba-iba ang pawang magigiting na nagtagumpay makarating kung saan sila nakatayo. (Babala wag gagayain)

Dahil sa kukunti lang ang nakakarating sa bahaging ito ng Olotayan, kaya hindi akalain nang nakita naming dalawang tao, babae at lalake na hindi lang sila subalit kami rin ay mag tatagumpay makarating sa lugar na ito. Tama po kayo may kita kaming babae at lalake na tila nag tatago sa malaking bato. Hindi namin pwedeng sabihing parang nag se-sex sila dahil wala naman kaming pruweba para dun, pero para talagang nag se-sex sila, kung hindi sila nag se-sex  anong ginagawa nilang dalawa doon sa tagong batuhan. Kung si Akik pa, kung hindi lang kami maingay malamang sa malamang mahuhuli namin sila habang nag babaon ng kayamanan. Sayang talaga.

Magdidilim na at maglalabasan na ang mga aswang kaya sinusulit nalang namin ang huling aninag ng araw. Pero syempre di totoo iyon dahil walang aswang sa Olotayan. Actually naging mahabang discussion to sa group namin. Although di eto ang first time na nakapunta kami dito, eto ung first time na mag oovernight kami. Habang nag paplano palang kami para dito, may mga kasama kami na nag bigay babala na sa amin na, “dalikado daw mag overnight sa Olotayan” o “may aswang daw na kahit mismo ung mga taga lapit na isla alam iyon” o kaya may multo daw sa parola. Kahit ung anak ng bangkerong kasama namin, ang daming kwentong kababalaghan ang pinag sasabi na kung iintidihin mo, matatakot ka at uuwi nalang. Parang ganto ang eksena, “mag oovernight kayo dito? wag na marami ditong aswang” sinong hindi matatakot eh alam mo na mas alam nila ang lugar na iyon. Pero eto na nga, kakagat na ang gabi at wala na tong urungan.

Katatapos lang ng hapunan at inuman na naman. Bago yan naglakad lakad din kami, umaasang makakita ng aswang o multo. Dahil may kasama kaming may third eye, marami daw talaga syang nakikita subalit passive lang ang mga ito, kung meron mang malakas eh nandun sa abandonadong bahay. Normal nalang sa kanya ang mga spiritong ligaw na kahit mismo sa shop ay may batang multo syang nakikita. Pero sa amin na mga normal na tao, ang nakita namin eh iyong kapansing pasing umiilaw sa dagat na parang sa Final Fantasy X di nga lang kasing dami nun. Low-tide na noon, kaya iyang pinuwestohan namin, sa dagat na mismo yan. At dahil wala namang multo or kung ano pa man, tinakot nalang namin ang sarili namin sa mga kwentong kahindik-dik na kalaunan ay napunta sa kabastusan at naging kahindik-hindickies sa pangunguna ni Dickies. Di kasi naka rating si Kap, kaya di namin natunghayan ang Kap’s amazing stories na syang nagpamalas sa Pawa Escapades namin.

9PM ng tumahimik ang buong isla dahil pinatay na ang generator. Halos kami na nga lang ang maririnig mo noon. Nakikita namin na pabalik-balik ang care taker ng cottege siguro inisip din nila na aswang kami dahil mag 12 na ng gabi at gising pa kami (normal lang iyon para sa mga gamer). Sa pag tulog medyo mainit hindi sya mahangin gaya ng tipikal na babaying dagat o dahil lang siguro sa na pwestohan namin. Di kami makatulog dahil maraming lamok at may bakla kaming kasama na niloloko namin na kung sino unang matutulog titripan namin. Mga ala una na ng umaga ng sumobra ang lakas ng hangin. Nagising ako sa liwanag na galing sa malaking buwan. Noon ko lang din nasilayan na tila nag sunrise ung moon or moonrise siguro tawag dun. Sobrang lamig din at iyon ang hinahanap ko sa babaying dagat.

Pag kagising namin sa umaga, una namin ginawa nag head count baka kasi may nakain na sa amin ng aswang habang natutulog. hahahah. Tapos naligo agad kami. Sarap, mainit ang tubig. Eto ung isang rason bat gusto kong tumira sa tabing dagat. Nang mag aalmusal na kami, nagulat kami wala na kaming masyadong ulam dahil pinulutan namin. Wala ding mabilhan ng kanin kaya balik pancit canton kami. Buti nalang may tirang kanin mula sa hilaw na sinaing kagabi. Sinanggag namin ang kanin, at ang mga tirang isda sa pulutan ay ihinalo narin pati ang pancit canton at kami’y ng boodle fight. Sarap!

Pagkatapos kumain ligo ulit habang nag hihintay ng sundo. Nang mapagod, kwentuhan ulit ng mga kabastusan at kalokohan. Pinilit man namin mag usap ni Billy ng may katuturan at mga future na plano sa shop, nang lumapit si Myko nabahiran na naman ng kalaswaan at sinundan ni Dickies. Namangha si Dickies na close daw si Eleson at Jhunjhun. Sabi ni Myko lahat ng Jhunjhun close ni Eleson.

Tumagal pa ang pag hihintay namin. Na late ang bangka, kung dati kami ang minamadali ng bangkero, ngayon kami nag hihintay sa kanya. Actually hindi lang kami naka experience nun, pati iyong mga ibang pumupunta sa sa isla. Na atat na atat umuwi ang mga nirentahang bangkero. Mga alas 3 palang magyaya ng umuwi iyon. Dun papasok iyong dalikado ung ganyan, dalikado ung ganon. Ito rin siguro ang pinangalingan ng mga storyang aswang sa Olotayan. So para maka sulit, maaga pa talaga kayong pumunta dahil expect nyo na mga alas 3 yayain na kayo ng bangkerong umuwi o kaya naman mag overnight kayo para siguradong sulit.

Overall masaya naman ang lahat. Sulit naman ang binayad nila na 100 pesos. Mas masaya nga lang sana kung may kasama kaming babae at hindi lang binabae. Tapos kinulang parin kami sa pag kain kahit na sa tingin namin madami na iyon. Na pulutan din kasi. Buti nalang napagbilhan kami ng pusit ng mangigisda doon. Tapos kinulang din kami sa tubig, ininom namin nawasa na tag 30 pesos per 5 gallons. Sa susunod mas mag dadala pa kami ng pagkain kahit na mga delata or noodles kasi sarap talagang kumain tapos swimming tapos inuman tapos inuman ulit. Balak namin bumalik doon sa July at sana mas maraming sasama at hindi na sila matakot sa aswang. Kung gusto mong sumama, comment lang, at kung may suggestion kayo para lalo pang sumaya ang outing natin, wag mahiyang map participate. Meron tayong group chat, fan page, or kahit dito sa website pwede mo kaming ma contact through live chat.  Kung babae ang sasama libre na ni Myko. Seryoso.

Bonus info sa mga gustong pumunta sa Olotayan


Sa mga gustong pumunta sa Isla ngunit nangangaba dahil wala kayong info, halinat gabayan namin kayo base sa na experience namin na dalawang beses nang nakapunta sa isla. Di kasi katulad ng Isla Gigantes, ang Olotayan ay hindi pa na-developed ng husto. Bagaman kada election ay kasama sa agenda ng mga kandidato ang pagdevelop ng isla, hindi parin ito ganon na commercialize. Ganon pa man, isa rin ito sa nagpaganda sa ila, dahil kunti palang ang nakakaalam o sadyang hindi lang puntahin dahil wala pang ganap na programa pang turismo ang isla, mayron kayong privacy at back-to-nature experience na tinatawag. Anway in the first place wala rin kaming idea kung paano ang sistema kung mag oovernight. Kaya mapapadalawang isip ka kung tutoloy kayong mag overnight o hindi.

Kahit na naipalabas na ito sa Jessica Soho noon, may kakaiba naman kung paano nila shinowcase ung isla sa kung ano natalagang dadatnan mo doon. Katulad nalang dati may nakasabayan kami doon. Taga IloIlo pa raw sila, nahikayat sila ng husto pagkatapos mapanood ang Jessica Soho, kaya akala nila pag dating sa isla merong restaurant na mabibilhan ng pagkain iyon pala. Sobrang dismayado sila kasi wala silang baon at sabi nila sa bankgero na na rentahan nila alas -3 pa sila balikan. Alas 10 palang noon at talagang gutom na sila. Kumuha sila ng bagong baka, panibagong bayad. Masamang karanasan.

Para makapunta sa isla pwede kang dumaan sa Banica, Roxas o mas malapit sa Agojo, Panay. Kung magkano naman ang magagastos. Makakakuha kayo ng bangka sa halagang 1000-1500 pesos depende sa kasunduan ninyo. Ang bangkang ito ay kayang mag byahe ng sampung katao. Ang cottage naman ay may 400 at 500 pesos iba ang bayad sa gabi at umaga. Meron din libre at pwedeng magdala nalang kayo ng tent. Meron din parang pang VIP 1500, nasa loob na kayo ng sementadong bahay, merong kalan, lutuan, kuryente mula sa generator etc. Mas masaya lang din siguro ung sa cottege kasi back to nature ka talaga o kaya magdala ng tent para libre ingat lang sa baklang nandarag sa amin. Tip lang pag nakita nio sya supalpalan nyo agad ng pera, kasi sesermonan kayo noon at “sasabihin nya prangkahanay lang na storya”

Uulitin ko, walang aswang sa Olotayan o maging sa buong Capiz. Kaya kung naghahanap kayo ng white sand na di kasing gastos sa Boracay, o islang tahimik kung san pwedeng mag camping, try nyo sa dito Olotayan Island Roxas City.

« 1 of 2 »

Sa karagdagang katanungan, open ang website na ito para tulungan kayo. Meron kaming comment section sa baba o pwede mong gamitin ang live chat namin para sa mas mabilis na pag sagot. Enjoy!

Please share if this helped you or worthy for others to know. Thank you!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *