Archives

Mga Sikat Na Tao Na Di Mo Aakalaing Taga Capiz

Bukod kay Mar Roxas isa lang kilala kong tanyag na tao na taga or nang-galing sa Capiz, si Barbie Almalbis. Kaya naman nung may nag pagawa sa amin ng project tungkol sa mga popular na Capizeños, nahirapan pa kami mag isip at tumgal pa ng isang oras bago namin natapos ang research. So narito ang amin mga nakalap na baka makatulong sa mga studyanteng may takdang aralin tungkol sa pagkilala sa mga taong maiipagmalaki natin bilang kababayan.

Vicky Belo – Eto ang doktora na pinasasalamanatan ng halos lahat ng artista maliban sa mga ibang hawak na ni Calayan. Nagulat ako ng malaman ko na si Victoria “Vicky” Belo ay galing sa aming bayan dito sa Panay, Capiz.

Kara David – Isang journalist, reporter, at kasalakuyang news caster sa GMA7. Sya rin ang host ng I-Witness na mapapanood din sa nasabing istasyon. May isang segment sya kung saan nag balik tanaw sya sa kanyag lugar dito sa Capiz at ibinahagi ang ating wlang kamatayang seafoods.

Ricky Davao – Sino ba naman ang hindi na kakakilala sa taong ito. Isang magaling na actor, director, at asawa ng isa ring sikat na artista, Jackilou Lou Blanco.

Lirah Bermudez – Musikero at grand finalist ng isang singing contest sa GMA7. Ang napaka talentadong babaeng ito ay mula rin sa Panay, Capiz. Ka jam lang namin to dati, ngayon si Gloc 9 na katugtugan nya. Mula sa pagkapanalo nag patuloy ang proyekto nya sa GMA 7 at ibang mga music artist isa na nga Gloc 9 na may active project kasama si Lirah. Paanorin ninyo iyong video nilang dalawa sa Wish Exclusive sa Youtube. Mapagmamalaki mo talaga si Lirah sa kanyang husay sa live performance.

Gina Alajar – Ipinanganak bilang Regina Alatiit dito sa Capiz. Isang sikat na artista at kilala rin bilang ina ng mga sikat ng artisa na sina Geoff, Ryan at AJ Eigenmann.

Antonio Trillanes – Kung parang showbiz lang ang eksena ng politika sa Pilipinas, si Antonio Trillanes ang superstar. Sino ba naman ang hindi nakakakila sa taong ito na punong puno ng prinsipyo, adhikain, na may buong katapangan ipaglaban kung ano sa palanggay nya ang tama. Si Trillanes ay nagmula sa Ivisan, Capiz.

Paolo Bediones – Naalala ko dati nung highschool meron akong classmate kamuka ni Paolo Bediones. Tapos kinuwento ko sa tito ko sabi nya, baka kamag-anak ni Paolo kasi taga Roxas din un. Si Bediones ay sikat na host, report, news anchor, at commercial model. Nagkaroon sya ng proyekto sa TV5 at GMA.

Mac Belo – Isang professional na basketbolista na naglalaro sa Philippine Basketball Association para sa team na Black Water. Tulad ni Vicky Belo, si Mac Belo ay nagmula rin sa Panay. Kinompirma rin nang dalawa na magkamag-anak anak sila, matapos balikan ang pinagmulan nila dito sa Capiz.

Maraming mga sikat na tao nanggaling sa Capiz. Kalimitan lang, sila ay nag ibang bayan kaya hindi na nabigyang pansin ang kanilang tunay na pinanggalingan at naging dahilan kung bakit hindi natin sila nakilala bilang Capizeño. Ganon pa man, sila ay lehitimong ipinanganak dito sa ating bayan at hindi na mapapalitan iyon unless isilang silang muli.

Please share if this helped you or worthy for others to know. Thank you!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *