Archives

Mga Festival o Kapistahan Na Ipinagdiriwang Sa Capiz

May customer kami at nag pa research ng mga festivals or kapistahan na ipinagdiriwang sa Capiz. Actually marami tayong festival na ipangdiriwang dito sa Capiz dahil Pinoy tayo mahilig tayo sa holiday mga masahayin tayong nilalang.

At sa mga taong nais mamyesta at makakain ng libre sa ibat-ibang lugar tamang tama ang listahan na ito para sa kanila. Sa totoo lang walang masama kumain ng libre at walang nakakahiya mameysta kahit sa hindi mo pa kilalala, dahil kung iisipin natin ang konsepto ng kapistahan ay pag papakain, pagmamahal, at pagpapakita ng kawang gawa sa ibang tao gamit ang pansariling kustombre na ating nakagisnan. Mas nakakahiya kung maghanda ka tapos walang mamyesta sa inyo.

Ihanda na ang inyo panulat at markahan na ang kalendaryo dahil narito na ang listahan ng mga kapistahang ginaganap sa loob ng probinsya:

Sinadya sa Halaran – Nakapaloob dito ang dalawang pagdiriwang, ang religious fiesta ng Roxas City mula sa patron nilang Immaculate Concepcion at ang Provincial celebration ng Halaran. Ang pagdiriwang na ito ay karaniwang ginaganap sa ika-4 ng hanggang ika-8 ng Disyembre. Dito makikita ang parada mula sa ibat-ibang representative ng bawat munisipyo. Meron din mga food festivals, exhibit, street dancing at fireworks.

Capiztahan – Mula sa dalawang salita, Capiz at Pista, eto pang pinakamalaking selebrasyon sa Capiz. Kung binabatikos ang Halaran dahil sa matamlay na pag selebra, ganoon naman ka aktibo ang Capiztahan. Ang CAPIZtahan ay base sa founday day commeoration of the civil government of Capiz. Ang festival na ito ay sikat sa “Food Trip Sa Capiz”, Sadsad Capiz, TriAksyon, at Parada ng mga Higante.

Aswang Festival – Naging controbersyal ang festival na ito dahil sa pananaw ng isang pastor na ang Aswang Festival ay nabibigay ng masamang imahe sa Capiz na kabaligtaran ang intensyon kung bakit inulunsad ang pagdiriwang na ito. Ayon sa Dugo Capizon, ang organizer ng Aswang Festival, sa pamamagitan ng kapistahang ito mababago ang negatibong pag tingin nila sa Capiz bilang lugar ng mga Aswang. Ibabaling nila ang panget na imahe sa mga seafoods product and mainit na pagtangap ng mga Capizenos.

Diwal Festival – Ipinagdiriwang kada ikalabing lima ng Hulyo sa Roxas City, Capiz. Dito ibabalandra nila ang seafood product na Diwal o Angelwing na isa sa pinakamasarap na shellfish sa buong mundo.

Talahong Festival – Nagmula sa dalawang salita, talaba at tahong, ang Talahong Festival ay ipinagdiriwang sa Sapian, Capiz tuwing ika dalawang Sabado sa buwan ng May. Bilang bayan na naka binbin sa coastal area, mayaman ang Sapian sa mga shell products kaya naisipan nilang ipagdiwang at bigyan ng pagkakataon ma promote ang kanilang produkto.

Guyum-Guyuman Festival – Nag mula sa lumang pangalan ng Pontevedra, Caguyuman na ang ibig sabihin ay bahay langgam. Nag simula ang salita sa ginampanang papel ng Pontevedra bilang sentro ng kalakalan sa mga kalapit bayan tulad ng Panay, Panitan, Maayon, at President Roxas. Sa dami ng mga tao, nagmumukang bahay-langgam ang buong bayan ng Pontevedra. Ang kapistahan na ito ay unang tinawag bilang Balintawakan Festival, pinaltan ito ng Guyum-guyuman bilang pag babalik tanaw sa kung paano nag simulat ang Pontevedra. Ang Guyum-Guyuman festival ay dinaraos kada Mayo kung saan ibat ibang pangyayari ang nagaganap tulad ng street dancing, beauty contest, sea foods parades and food trips, and their very popular sound system competition.

Pangahaw Festival – Ginagap ito sa Jamindan Capiz tuwi ika-20 ng Enero. Nag sisilbi itong thanks giving festival ng mga taga Jamindan kung saan nagkakaroon ng maraming kaganapan tulad ng street dancing, local product exhibit, at kainan.

Hil-o – Hil-o Festival – Ito naman ang tawag sa pista ng mga taga Maayon. Katulad ng mga naunang nabanggit at karaniwang kaganapan sa mga pyestahan. Meron ditong sayawan, tugtugan, kainan, ibat-ibang uri ng pasasalamat mula sa local na gobyerno, at mga parada. Ipinagdiriwang ito tuwi huling Sabado ng Febrero.

Ilig Festival – Isang pagdiriwang na idinaraos sa Dumalag, Capiz tuwing ika-28 ng April hanggang 5 ng Mayo. Nagmula ang pagdiriwang nito sa pag bibigay pugay sa Palirong na syang pangunahing gamit ng mga Dumalagnon sa init at ulan. Minsan ang nagiging tawag sa isang selebrasyon sa kung anong sumisimbolo sa isang bayan. Katulad ng susunod.

Lingga-anay Festival – Linggay-anay o kampana. Mabasa mo palang ayan alam mo na, sa hometown namin yan dito sa Panay. Bilang lugar kung saan matatagpuan ang pinakamalaking Kristyanong Kampana sa buong Asya, naging simbolo ng buong bayan ang Lingga-anay. Dito ipinaggalan ang aming kapistahan na ginaganap kada ika-1 hanggang ika-4 ng Mayo. Bukod sa pagpapatunog ng kampana, meron ding kaming street dancing, parada, beauty contest, kainan, at tugtugan. Bilang mamayan ng Panay, Capiz, ipinagmamalaki namin an ang aming lugar ang pinaka tahimik na bayan sa buong Capiz. Hindi na linggid sa kaalaman natin na kapang may selebrasyon may pagkakataon na nalalagay sa bingit ang pangkapayapan. Dito masasabi namin na sa Panay na naidaraos namin ang kapistahan ng tahimik at lahat ng tao ay masaya.

Tagbuan Festival – Ito ay pinagdiriwang sa Pilar, Capiz tuwing ika-29 ng Mayo. Nagsimula ang idea sa pagdiriwang na ito mula pa noon manakop ang mga espanyol. Ito’y pagbalik tanaw sa panahon ng mga Aeta sa pagdala ng kanilang mga ani sa bayan para makipag palitan sa mga mangingisda. Ang salitang Tagbuan ay may kahulagang pagkikita ng mga tagabundok at mangingisda. Katulad di ng mga naunang padiriwang, may kainan at ibat ibang kasiyahan sa bayan.

Agdahanay Festival – Ipinagdiriwang tuwing ika-labingtatlo ng Hunyo sa bayan ng Cuartero kasabay ang pagpupugay sa kanilang patron na si San Antonio de Padua. Ang salitang Agdahanay ay may ibig sabahin na “pag anyaya” upang mapabatid nila ang pagiging hospitable ng mga Cuarteronhon.

Hi-o-hanay Festival – Ginaganap ito sa bayan ng Sigma tuwing ika-24 ng Hunyo. Sa pag diriwang na ito nabibigyan halaga ang pag sasalin ng mayamang kultura sa mga makabagong henerasyon. Dito upang hindi sila makalimot sa kasaysayan at mga ipanglaban ng kanilang mga ninuno sa makabagong panahon.

Gaya nga ng sabi ko, marami tayong marami tayong pagdiriwang dito sa Capiz, marami tayong holiday, mahilig tayo sa double pay. Actually marami pa talagang idinaraaos sa Capiz, ilan lamang iya sa may katangi-tanging pagdiriwang na hindi ninyo dapat palagpasin.

Readers are here for:

  • palitan capiz fiesta
  • mga lista ng festival
  • san matatagpuan ang capiz shell products
Please share if this helped you or worthy for others to know. Thank you!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *