Archives

Huwarang Kabataang Pandaigdig (Pictures / Descriptions)

Sa mga nag hahanap ng gantong topiko sa internet, narito ang mga nalipon namin na ibabahagi sa inyo upang mapadali ang inyong pag copy-paste. Madaming customer ang nag pa print nito sa amin at sa tuwing may mag papa research kailangan naming mag Google ng mga picture, halimbawa, at description ng paulit-ulit. Sa madaliang print, narito ang lipon na nakuha namin tukol sa huwaraang kabataang pandaigdigan.

Una sa lahat ano ba ang huraang kabataang pandaigdigan? Isa itong basehan ng bagong henerasyon kung saan ang kanilang ginagawa ay dapat gayahin ng marami pang kabataan na di lamang sa isang komunidad kundi sa buong mundo. Eto ay tumatalakay sa tungkulin ng mga tao o kabataan sa bagong henerasyon sa kung anong magagawa nila na makaka apekto sa pangkahalataan. Bilang indibwal, marami tayong pwedeng maibahagi na pwedeng mag pabago sa mundo. Lahat tayo ay pwedeng maging huwaran at narito at kanilang katangian:

Nag alaga ng kapaligiran


Napakalawak ng kahulugan ng tungkuling ito. Sa pag aalaga ng kapaligiran, dito kailangan nating ipagpatuloy ang takbo ng kalikasan sa paraang ng pagtatanim o pagpapalit sa mga nasisirang kapaligiran dahil sa progreso ng ating buhay. Wala ibang kundi tayo lamang ang makapagpapatuloy nito dahil ang pag kasira ng kapaligiran o pag gamit dito ay hindi maiiwasan. Kailangan natin gamitin ang mga puno para sa ikauunlad ng bayan natin subalit hindi dito natatapos iyon dahil bilang kabataan o mga tao sa mga susunod na henerasyon tungkulin nating palitan ang mga punong nagagamit para sa mga susunod pang henerasyon.

Hindi lang sa pag tatanim, pati narin sa pag lilinis o pag pepreserba ng kapaligiran. Kung hindi man tayo maging parte nag pag papaunlad ng kapaligiran, wag naman sana tayong maging sanhi na pag sira nito. Napaka dali gawin nito bilang individwal. Wag mag tapon kung saan-saan. Ayusin ang basura sa nabubulok at hindi nabubulok. Mag recycle at iwasan ang pag gamit ng plastik kung maari at marami pang iba.

Maari din tayong mag alaga ng hayop lalo na iyong mga malapit ng maubos (endangered species). Eto lang ang paraan natin bilang kabataan na maitawid sila sa mga susunod na henerasyon.

Nag Aaral Ng Mabuti


Ito ang pangunahing tungkulin natin bilang kabataan, ang mag aral ng mabuti. Kung obligasyon ng magulang na pag aralin ang kabataan, at karapatan natin na mag aral, tungkulin ng kabataan na mag aral ng mabuti. Ang isang huwarang kabataan ay dapat nag aaral ng mabuti dahil ang pag aaral lamang ang lulupig sa kamangmangan at kahirapan. Hindi lang indibidwal o masabing makakapag trabaho tayo na maganda kung sakaling mag aral tayo nang mabuti, sumabalit makakapag bahagi karin ng kaalaman mo sa mundo na maaring makapag bago ng takbo nito. Tignan nalang natin ang mga sayantipiko, mga manunuklas, mga doktor at ibang mga taong may mataas na pinag aralan at patuloy na binabahagi ang kanilang husay sa ibang tao upang magkaroon tayo ng madaling buhay, malusog, at progresibong pamumuhay.

May Magandang Pag uugali


Napakalawak ng salitang mabait, at sa pang kahalatan ang pagkakaron ng magandang pag uugali ay isang huwarang para sa kabataan. Maari kang mag aral ng mabuti, maging matalino, at gamitin ito sa masama, na sa nagyayari sa mundo ay maraming gumagawa nito. Nalalamang sila sa kapwa, gumagawa sila ng bagay na nakaka apekto ng masama sa komunidad at kapaligiran. Sa madaling salita ang huwarang kabataan ay may malasakit sa kapwa. Kapag may malasakit ka sa kapwa, bukas lagi ang iyong palad tumulong at ibahagi ang kung anong meron o natutunan mo sa pag aaral ng mabuti. Ang magandang pag uugali ay isang katangian ng taong inuuna ang kapwa bago ang sariling kapakanan.

Marunong Mag Impluwensya Sa Iba


Literal na hindi ka magiging huwaran kung hindi ka nagiging impluwensya sa iba. Ang isang kabataang huwaraan ay kayang mag pakita at hingkayatin ang iba na sundin ang kanyang ginagawa. Dapat ay laging syang nag iiwan ng bakas sa iba upang gayahin. Hindi madamot mag turo at gumawa na marami pang huwarang kabataan. Marami na tayong preacher, marami ng guro, marami ng relihiyon, ang kailangan natin ngayon ay modelo at magiging modelo ka lamang at maiimpluwensyahan ang iba kung ang lahat ng itinuturo mo ay makikita sa gawa. Mas kapaniniwala ang gawa ang resulta ng bawat kilos mo kesa sa pag sasabi lang nito. Maging impluwensya sa iba, sa kahit anong paraan basta nasa tama lamang.

May Pakialam Sa Kasalukuyang Nangyayari


Ang isang huwarang kabataan ay may pakialam sa ngyayari sa paligid nya. Eto ang pinaka mahirap makita sa mga kabatang ngayon. Sila ay lubhang abala sa mga bagay na pansarili at libangan. Marami sa kanila ang walang pakialam sa kung ano man ang pwedeng mangyari sa daigdig para sa mga susunod pang henerasyon. Kung ang isang tao ay may pakialam sa kung anong dinaranas natin ngayon, ang lahat ng nabangit sa taas ay kanyang gagawin. Sa kabaligtaran, malimit kang makakakita ng gantong uri ng kabataan sa panahon ang lahat ng bagay ay nagdidikta sa kung ano ang nangyayari sa kasalukuyan at walang pag aalala sa hinaharap.

Iyan lang ang mga ilan sa na research namin. Kung sana isinulat namin dito sa website ang lahat ng nangalap namin mula pa noong unang customer na nag request sa amin nito, marami pa sana kaming mababahagi. Pero tulad na dati, sana makatulong ito sa inyo.

Readers are here for:

  • NAG AARAL NG MABUTI
Please share if this helped you or worthy for others to know. Thank you!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *