Archives

Alamat Ng Capiz

Kahapon ibinahagi namin ang Kasaysayan, Kultura at Tradisyon ng Capiz, ngayon kung di ka kumbinsido at mas gusto mas detalyado kung saan ba talaga nag simula ang Capiz, ikukwento ko sayo ang isang alamat na kinwento din ng lolo ko na taga Capiz.

Kung pag babasihan natin ang kasaysayan at ang alamat na kinwento sa akin, may papakahiwig ito at masasabing totoong nagyari, hindi nga lang na idocumento tulad sa kung anong mababasa natin tungkol sa kasaysayan ng Capiz.

Totoo na nangailangan ang espanyol ng bagong bayan na sasakupin dahil sa nauubos na ang yaman ng una nilang nilusob ito nga ay ang sa Cebu. Yan ng nakalagay sa kasaysayan.  Ganyan din ang alamat na kinuwento ng lolo ko . Nung nagutuman daw ang mga espanyol, nag hanap sila ng bagong sasakupin at nakita nila ang isla ng Panay nanoon ay wala pang pangalan.

Ang matindi sa lolo ko ay kilala nya ang espanyol at ito si Alejandro de la Cuesta. Sabi ng lolo ko di daw ito tulad ng ibang heneral na espanyol dahil sya ay mabait.

Nag bumaba si Alejandro de la Cuesta sa isla, may nakita syang isang pamilyang naglilinis ng lambat. Ang amang kagagaling lamang sa laot, ang inang tumutulong ilatag ang lambat ang kambal nilang  anak na naglalaro sa naka balumbong lambat.

Bilang estranghero sa lugar, lumapit ito sa pamilya at nag tanong kung anong pangalan ng lugar na iyon. Hindi nagkaintidihan ang dalawang panig na akala ng ina ng mga bata ang tinatanong ng heneral ay kung bakit magkamuka ang dalawang bata. Kaya sinagot nila ito nang, “kay kapid sila” na ang ibig sabihin ay kasi kambal sila.

Ang pag kaintindi ng Cuesta ang sinabi na ina ay Isla Kapid, o island sa english, dito nangaling at salita nating Isla kung tutuusin.

At dahil hirap ang espanyol sa salitang may D at mas marami silang S (los santos neuvos etc etc), sa pagpapasa ng salita, ang kapid na inisip nilang pangalan ng isla ay tinawag na Capiz

Nag papasalamat ako sa lolo ko dahil sa kwentong ito. Actually madaming kwento si lolo. Hindi lang sya mahilig sa alamat, pati narin sa mga supernatural. Pero sabi ng tatay ko wag daw akong maniwala sa lolo ko lalo na kung aswang at multo na ang usapan dahil lasingero to at tama lang nang alak ang dinaranas nya sa tuwing inaakalala nyang may supernatural na nangyayari.

Gusto nyo bang ikwento ko sa inyo ang mga kwento ni lolo? O sa susunod na article, pag uusapan natin kung talagang may aswang ba sa Capiz. Excited na kayo? I click lang ang link dahil dadalhin kayo nito sa susunod na kwento.

Please share if this helped you or worthy for others to know. Thank you!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *