Archives

1st League of Legends Mini Tournament Sponsored by Garena

Eto ang unang tournament sa Kaylum Circle na inisponsoran ng Garena. Dahil sa Garena mangagaling ang prizes, ito rin ang unang nag open tournament kami mula sa limang patimpalak na na-inlusad namin noon. Ang tournament ay ginanap noong June 9, 2018 na nilahokan ng 25 na teams o 125 katao.

Registration palang medyo intense na dahil ang community ng Kaylum Circle ay may napupusuang iban na team/players dahil masyado na silang imba o na dominate na nila lahat ng mga tournament sa Roxas City. Bilang host/organizer panget din na maintimidate ang mga sasaling players kung malaman nila na lalahok din ang pinakamalalakas na team na dati naring na banned sa mga tournament. Matagal ang discussiong naganap, at dahil may mga nag paregister narin na mga OP kung tutuusin, (challenger/master) division, unfair naman para sa bina-ban na team na hindi sila makasali. At the same time alam ko sa sarili ng bawat player gusto rin nila ng challenge para subukan ang kanilang mga bagong strategy, husay o kung ano pa man.

Sa huli naka sali rin ang Deus Gaming 1 at 2 para makompleto ang 25 na teams.

Umaga pa lang ng June 9, 2018 may mga team na pumunta. Marami parin ang nag fill-up ng form na kailangan para sa sponsorship ng Garena. 5 ang team na galing sa panay at umaga palang ay nag handa na sila para sa tournament na paparating.

Alas dose y medya ng makita nila ang bracketing.

Round 1


Eksaktong ala-una nang mag simula. Ang unang tatlong laban ay sa pagita ng Team Free Win at Team Virgin, Team LD Family at Team Random, Team Bonus Round at Bato Warriors. Team Virgin sa pangunguna ni Jaypee Benturado ay tinalo ang mga batang players mula panay. Maganda ang laban ng Bato Warriors at Bonus Round na hanggang sa huli ay hindi masigurado kung sino ang mananalo. Ganon din ang nagyari sa LD Family at Random dahil sa buong laban ay nangunguna ang Random subalit sa isang pagkakamali natalo sila.

Sumunod na session ay ang Team Agiik at Team Crispy Lechon, MNSK at SeeOnCripz, BEGBi at HitQ. Ang Crispy Lechon ay binubuo ng mga studyante mula sa CLANHS. Isa sila sa mga tinanghal na champion sa nakalipas na tournament. Ang Agiik sa pangunguna ni Akik at mga players mula sa Salazar Computer Shop at isang import ay walang pag dudang tinalo ang Crysipy Lechon. Maganda rin ang pinakita ng MNSK at SeeOnCripz sa pangunguna ni Joe Marc Besa at Isuna Jalandoni. Sa huli tinanghal na nanalo at uusad sa susunod na round ang MNSK. Nanalo din ang BEGBi laban sa HITq na pawang mga taga panay din.

Sa huling session para sa round 1, nanalo ang Deus 2 at Team GSK by default at Team Queens laban sa Team Kaiser. Naging friendly match ang laban ng Kaiser at Queens dahil dati narin silang magkakasama sa iisang shop na nilalaruan.

Bukod sa mga nanalo ng 1st round may mga waiting na rin na team tulad ng Deus 1, Team Building, Team IDL, Team FDS, Team C5 at Team Maano kamo di. May mga ibang nagtatanong kung bakit may mga waiting na. Ito dahil sa masyadong matatagalan kung mag 1:1 lahat ng team. Challonge generated naman ito kaya random. Ung mga team na waiting, swertihan lang din pero hindi nangangahulugan na panalo na sila dahil marami parin sila kakaharapin. At sa huli isa lang din ang tatanghaling kampeon – ang pinakamagaling.

Round 2


Sa round 2 nag harap ang mga team na isa sa mga pinaka magagaling mag laro ng League of Legends sa Roxas City o buong Capiz. Sa unang laban nagharap ang FDS o ang team ni England laban sa Team Deus 2. Maiinit din ang laban subalit pinatunayan nang Deus 2 na sa dugo nila ang pagiging kampyeon at bigyan dahilan kung bakit sila pinang-iilagan sa mga tournament. Nagharap rin ang Queens at LD Family at tulad ng unang round ang Queens na binubuo ng mga magigiting na transgender at isang muse ay naging friendly match ulit dahil ang mga Queens ay nagmula din sa LD Family na isang computer shop sa Roxas. Maingay ang laban na natapos sa isang magandang laro. Nanalo ang Queens. Sa game din na ito nagkapag laro ang Team Building o mga kilala na galing sa Ivisan laban sa Team Virgin. Walang pag aalinlangang dinurog nina Kobe Bryant Golero, Joemer Flores Ongga, Dan Escovidal Masangya, Kev Buensalido at Jemerson Silvederio ang team nila Jaypee.

Nanalo din ang Team Agiik laban sa Team Maano Kamo Di. Dito na patunayan ng Agiik na karapat dapat sila para sa tournament na ito. Sa pagkapanalo umusad sila sa ikatlong bahagi ng patimpalapak.

Round 3


Katulad ng Deus 2, nakakuha rin sa round na ito ng win by default ang Deus 1 at ang GSK dahil sa pag uwi ng kanilang makakalaban.

Patuloy ang tournament at mas lalong uminit ang mga match up. Dito sa round na ito ay nagharap ang Deus 2 at Queens. Sa kaunaunahang pagkakaton ng tournament, nag surrender ang team Queens matapos ang 10-point lead ng Deus 2. Nag win by default din ang BEGbi dahil sa pag uwi ng kanilang makakalaban.

Kung naging boring ang naunang dalawang laban, ang tungali sa pagitan ng Team Building at Deus 1 ay naging mainit. Sa laban na ito ang Deus 1 na syang inaasahang mag dodominate sa buong tournament ay tagilid. Mula umpisa ay mainit na ang laban, nagkaroon agad ng first blood bago pa mag sagupa ang minions sa unang wave. Naging dominante din si Renekton sa top lane laban sa Wukong ni Archie Alcazaren. Maganda din ang rotation ng Gragas sa pag gank nya sa bawat lane. Madali natapos ang laban, at ang takbo ng tournament ay sadyang nag iba.

Isa itong laban kung saan nagkaroon ng bagong challenge sa bawat team. Binago din nito ang maling pananaw dapat i-ban ang isang team. Iyong inaasahan mong mananalo, nabaliktad ang nagyari. Hindi lang yan dahil marami pang di inaasahan ang nagyari sa mga susunod na round.

Sa huling session ng round na ito, nag harap na ang Bato Warriors at Team Agiik. Tulad ng mga naunang laban ng Agiik, ang kanilang jungle ay gumamit ng Master Yi sa ikatlong pagkakataon. Nanalo ang Agiik sa pangunguna ni John Stephin Miranda gamit ang Yi.

Semi Finals


Semi Finals na at apat na team na lang ang natitira, isa na namang di inaasahang laban ang naganap. Natalo nang Team Agiik ang Team Building at sa laban na ito, pinangunahan muli ni Miranda ang laro ngunit hindi gamit ang Master Yi kundi Tryndamere. Isa sa pinaka dismayadong laban para sa Team Building dahil ang buong laban ay umikot sa isang basic champion kung tutuusin. Personally dismayado din ako para sa takbo ng tournament dahil gusto ko rin makitang magharap ang isa sa bina-ban na team at ang team na tumalo sa main team nila. Ganon pa man, dahil team naman ni Akik ang nanalo masaya narin bilang kaibigan nyan. Nabahalatuhan pa ng mountain dew mga players ng KC.

Naging mainit din ang laban ng BEGbi at Deus 2. Dito makikita ang pagiging experyensado ng Team Deus 2. Tulad ng mga naunang round nag dominate parin si Corky at ng support nato na si Janami.

Finals


Ang huling round tournament ay para sa dalawang set, championship at decision para sa 3rd place. Galing sa pagkadismaya, nag troll ang Team Building sa laban nila sa BEGBi. Pinagamit nla ang kasama nila na tila hindi marunong mag Yasuo ng Yasuo. Naging kwela ang laban, magandang pang banlaw mula sa pag ka dismaya. Sa huli nanalo ang desidong team ng BEGBi at naiuwi nila ang 3rd place.

Para sa championship, hindi na nag pa tumpik-tumpik ang Deus 2, auto ban ang Zoe, Master Yi at Tryndamere at mga hero na nagamit sa mga nakaraan laban tulad ng Corki. Dahil nagulo ang line up ng mga hero na dapat sana gagamitin, nabanggit ni Akik na nagkaron na maling pick sa team nila. Last second din ng nag pick si Miranda para kay Xin Zhao na tila hindi naging epektibo kumpara sa mga naunang laban nya.

Sa huli nagchampion ang Team Deus 2 na binubuo nina Patrick Deocampo Alcazaren, John Erwin, Jammy Escolin, Mark Bernard Cleofas at Hyper Noob Alert.

« 1 of 2 »

Post-Event Evaluation


Overall, naging successful naman ang tournament. Naging unexpected ang resulta at the same time ang ignite at bagong challenge para sa mga team na sya namang objective namin bilang host ng tournament. Naging masaya naman ang lahat dahil sa mga pinamalas ng mga players. Sa limang tournament na hinost namin na lahat ay in-house at exclusive sa Panay players, eto ung unang nag open for all kami at eto rin ang pinaka masaya at syempre challenging. Masasabing panalo naman ang lahat.

Ganon pa man aminado kami na may pagkukulang parin kami na nais namin pun-an para sa mga susunod pang mga tournament. Narito ang listahan nang mga nais pa namin iimprove.

1. Crowd control – ever since dito talaga kami hirap. Naintindihan namin na excited ang lhat sa tournament pero minsan mas excited pa ung spectator kesa sa player. Worst case para sa amin at sa mga loyal namin na customer na paalisin sila dahil sa totoo sila ang bumubuhay ng shop hindi ung guest. So hindi namin sila basta pweding pa alisin kundi mag adjust sa aming systema. Although mas malala ung nangyari sa CF compare sa LoL hindi parin naiwasan ang:

a. Aksidenteng napapatay ung PC dahil nagagalaw ung outlet. Solution: Gagawa kami ng panibagong outlet na hindi na magkakaron ng contact sa mga dumaraan.
b. Discomfort, mejo given narin to sa mga tournament but we are still opting to improve. Solution: Additional area for spectators

2. Spectators involvement– naka 11 na tournament na kami for 4 years at sa totoo lang mas challenging ihandle ang spectators kesa sa participants. Bale sa nakaraang tournament, guwama kami ng alternative way para maka panood sila such as livestream and 3 available PCs for spectating. Pero sa palagay namin kulang parin. Solution: Next time ioopen namin ang kabilang room para sa mas malaking spectating area para sa lahat. Mag poprovide din kami ng malaking monitor or kung sakali kung projector.
b. Bagamat may spectating area kami, mas pinipili parin ng karamihan manood sa battleground area dahil live at dahil narin pinapayagan namin sila. So next time mag tatalaga kami ng “shoutcaster” upang mas maging kapanapanabik ang panood sa livestream o sa provided spectating monitors. Actually meron talaga kaming kinuha mula sa iloilo, pero masama daw ung panahon kaya di nakapunta :(.

3. Participants comfortability – Priority namin ang amin bisita at ang kanila pag stay sa shop. Isa sa mga nakita namin na dapat namin improve ung pag tatalaga ng participants’ lobby kung saan pde sila tumambay habang naghihintay sa kanilang laban. Pdeng kumain at mag spectate narin. Sa nakaraang tournament, tanging free wifi lang naging limbangan ng mga naghihintay na players. May mga team na unang dumating (10am) at di na nakakain. So next time, iopen din namin ung isa pang room para sa kanila. Hindi rin namin inaaklang aabot sa 20 teams ang sasali.

4. Additional facilitators – Kailangan namin ng tao na mag wewelcome sa mga particpants, especially sa registration, updating the bracket, etc. Mejo hirap ung isang staff namin na syang nag cacashier sa login, login/logout at sya rin ang nag bebenta ng snacks. Ako naman nag uupdate ng bracket, nag aayos ng live stream, nag lilinis ng CR, nakikipag gaguhan sa mga talunan, nag luluto ng pancit canton, tumatawag ng mga players, kumukuha ng pictures for documentation, etc.
Next time kailangan namin ng nakatalaga para sa pagkuha ng litretato ung magaling umanggulo. Isa din sa mga nakita ung kunti at di magandang kuha ng litretato. Kung meron lang sana akong photographer talaga mas maganda pa sana ung mga kuha, mas marami at mas detalyado. Di ko na nga na kuhaan ung 1st at 3rd dahil nagmamadali narin ang lahat at gabi na.

5. Payment system – Ito rin hassle na part, pag katapos mag laro mag babayad ng sabay-sabay. Actually my account system kami pero dahil mostly guests ang participants, open time ung pag access nila. Sa mga nakaraang tournament, free registration at free time kami para mas madali pero dahil nagmumuka akong baklang financer kung ililibre ko lang sila lagi, nag decide kami na pay pc anyway 10 pesos per hour lang naman at pang bayad din ng kuryente.

Kung maglalagay naman kami ng registration inclusive ang rent, kawawa naman nun ung mga player ng first round palang eliminated na. Solution: Fix time-rate, 10 pesos per game tapos sisingelin na sila habang nag ke-create ng match. Usual naman 1 hours or 80 minutes per game kasama picking. Eto rin kasi ung nakikita namin dahilan bakit may mga players na nawawalan agad ng loob sumali at ung iba naman gusto iban un mga players na malalakas. Kami gusto namin lagi ng challenge at gusto din namin na ganoon din ang mga players kaya nag labas kami ng tournament na free registration kung saan nothing-to-lose ang players para ma encourage silang sumali sa tournament sa kabilan ng pag harap nila sa mga pinaka magagaling na manlalaro dito sa Capiz.

6. Additional Prizes – Actually hindi namin inaasahan na maraming sasali sa kabila ng maliit na prize. Na overwhelemed kami dahil sa supporta ng maraming palyers mula sa ibat-ibang lugar. So sa susunod na tournament, mas lalakihan pa namin ang prize para di lugi sa pag hintay at gas. Solution: maghahanap ng maraming sponsor isasabay namin ang official na cup ng Garena para may cash at RP.

So next time iimplement namin ang dapat i-implement tapos hinihingi rin namin ang suggestion ninyo or comment para maputi pa ang mga paparating na mga event.

Please share if this helped you or worthy for others to know. Thank you!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *