Archives

1st Crossfire Tournament Sponsored By Gameclub

Una sa lahat gusto naming mag pasalamat kay Kenny Rogers ng Gameclub na syang nag organized para maging possible ang event. Ganon din kela Kirby, Kiven, at Jelou ng Syndrome sa pag nominate ng Kaylum Circle Gaming and Printing Services na mag host ng nasabing event. At syempre sa Gameclub para sa mga prizes.

Hindi ito ang unang nag tournament kami ng Crossfire sa shop pero eto ung unang may nag sponsor sa amin. Ito ang unang tournament na naging open for all at open guns ang laban.

Dahil nilahokan ito ng mga pinakamagagaling mag laro ng Crossfire sa Capiz, naging mainit ang laban na sinalihan ng labing walong teams mula sa ibat ibang lugar.

Di tulad sa League of Legends tournament namin, di kami masyadong nahirapan ihost ang competition na ito dahil familiar na ang lahat sa takbo ng tournament. Salamat sa pagiging active ng Gameclub sa mga gantong pa-event na sa loob ng isang buwan nag daraos sila ng dalawang tournament.

Salamat din sa Gameclub dahil ibinahagi nila si Kenny Rogers bilang representative at organizer ng patimpalak. Mula sa registration, bracketing, at documentation ay siya ang gumawa kaya hindi namin kinailangan ng karagdagang manpower para imanage ang tournament.

Sa kalagitnan ng laro, may mga hindi inaasahan lang ng pangyayari tulad ng di maiiwasang lag issue mula sa server ng Crossfire. May mga ilang team na itinuloy ang laban subalit karamihan ang tumigel at napaglipas muna ng oras dahil sa nakakadismayang lag.

Nang bumalik ang laban, ang inaasahan mag dodominante ng tournament – Syndrome ay natalo mula sa pangalawa nilang laban.

Sa huli nanalo ang Team Newbie mula sa Roxas laban sa High Standard na syang tinanghal na kampeon.

Sa kabilang ng problema sa server ng Crossfire, naging matagumpay parin ang tournament. Ang lahat ay maligayang na challenged sa kani-kanilang mga kalaban. Masaya din ang buong team ng KC dahil nabigyan kami ng mga exclusive merchandise mula sa Gameclub. Nabanggit din ni Kenny na may posibilidad na magkaroon ulit ng tournament pagkalipas ng isang buwan. Isang senyales ito na nasatisfied hindi lamang si Kenny kundi ang buong Gameclub na kanyang nirerepresenta.

Sa baba ang mga litratro kuha sa nasabing event.

Maraming Salamat Gameclub!

Please share if this helped you or worthy for others to know. Thank you!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *